Mga sineng ipinalabas, walang kaingay-ingay ang resulta
Walang feedback sa mga pelikulang ipinalabas kahapon sa mga sinehan.
Pero hindi nawawalan ng pag-asa si MTRCB Chair at CEO Lala Sotto na maeenganyo ang mga manonood na magtungo sa sinehan, laluna at marami silang mapagpipilian.
Kabilang dito ang Hexed, isang Disney animated feature na pinagbibidahan nina Hailee Steinfeld, Rashida Jones, at Jason Hand. Ito ay may Parental Guidance (PG) rating dahil sa kuwentong tungkol sa witches, magical abilities, supernatural adventures, may positive values na family bonding, understanding, self-acceptance at pagyakap sa individuality.
Focker In-Law, ang ika-apat na installment sa sikat na Meet the Parents film series, ay rated PG. Bida rito sina Ariana Grande, Robert De Niro, Ben Stiller, at Owen Wilson.
Ang Japanese coming-of-age drama na Look Back ay live action adaptation ng Look Back one-shot manga ni Tatsuki Fujimoto. Ito ay nakakuha ng PG rating. Tampok dito sina Deguchi Natsuki, Makita Aju, Nanasa Furi, at Okada Rokka.
Tampok sa gawang Pinoy na drama thriller na Laya sina Andrea Brillantes, JC Santos, at Anthony Jennings. Ito ay rated R-13 dahil sa mature dramatic themes, strong language, emotional distress, criminal-related situations at sensual exposure.
Ang horror film na Victorian Psycho ay nakatanggap ng R-16 rating dahil sa graphic depiction ng karahasan, katatakutan, na pinagbibidahan nina Maika Monroe, Kate Brady, at Simon Coury.
Ang The Further Mis-Adventures of Cliff Booth, isang drama thriller na tampok sina Brad Pitt, Elizabeth Debicki at Timothy Olyphant, ay rated R-16 dahil sa temang krimen, korapsyon, ambition, loyalty, ang madilim na mukha ng showbiz, dishonesty at manipulation.
Baka naghihintay na rin kasi ang mga tao ng Metro Manila Film Festival (MMFF) na magbubukas sa mga sinehan sa Pasko. At isa nga sa inaabangang pelikula, 2nd Miracle in Cell Number 7.
- Latest




















