WSL babalik sa Siargao sa 2027
MANILA, Philippines — Gusto ng World Surf League (WSL) na matiyak na makakakuha ng higit pa sa pagkakataon ang mga Pilipinong surfer s na makatapat ang mga pinakamagagaling sa mundo kung saan ang pakikipagtulungan nito sa Philippine Sports Commission (PSC) ay inaasahang mag-uumento sa pagpapalago ng local surfing.
Sinabi ni WSL president Andrew Stark na ang pagdadala ng Championship Tour sa Cloud 9 ay isang pagkakataon din para maipakita sa mga batang Pinoy surfers ang international competition.
Ang nasabing event ay nakipagtulungan sa PSC na pinamumunuan ni chairman Patrick Gregorio upang dalhin ang Philippines Pro sa Siargao na naghatid sa Championship Tour sa mga baybayin ng Pilipinas.
Ikinatuwa ni Stark ang suportang ibinigay ng PSC at sinabing masaya ang liga sa naging pagsalubong sa kanila ng local community.
“It’s incredible. It’s a beautiful place and, you know, we feel very welcome here. We’ve got a fantastic partnership with PSC,” ani Stark.
- Latest


















