^

PM Sports

Rags Bell walang kahirap-hirap

Elech Dawa - Pang-masa

MANILA, Philippines — Walang kahirap-hirap na sinikwat ng Rags Bell ang korona sa 2026 PCSO 2-Year-Old Juvenile Colts and Fillies Stakes race na inilarga sa pista ng Philippine Jockey Club kahapon sa Padre Garcia, Batangas.

Umarangkada kaagad sa unahan ang Rags Bell paglabas ng aparato, pilit namang humabol para du­mikit ang Green Hunter pero nabigo ito dahil lamang ang winning horse ng limang kabayo sa kalagitnaan ng karera.

Nagpatuloy ang pamamayagpag ng Rags Bell sa unahan at nanatili ang malaking agwat na lamang pagsapit ng far turn, nasa pangalawa pa rin ang Green Hunter, habang tersero na humahakbang ang Edmonton Angels.

Pagdating ng huling kur­bada ay tangan pa rin ng Rags Bell ang bande­ra at halos kuha na nito ang panalo sa rektahan.

Kaya magaang na tinawid ng Rags Bell ang meta kung saan ay mahigit sa 10 kabayo ang lamang nito sa pumangalawang Ed­monton Angels.

Sinakyan ni PSA Joc­key of the Year Jonathan Bas­co Hernandez, inirehistro ng Rags Bell ang tiyempong 1:27.6 minuto sa 1,400 meter race sapat upang mapunta sa Bell Racing Stable ang P300,000 premyo.

Nakopo ng Edmonton Angels ang P112,500 at may P62,500 at P25,000 ang third at fourth placers, ayon sa pagkakasunod.

JOCKEY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with