Regine, may ilalabas na documentary film!

Totoo naman na wala nang kailangang patunayan si Regine Velasquez.
Tulad ni Martin Nievera, been there done that na siya sa concert sa malalaking venue at ang mga gold record awards na kung ilang libo ang nabebentang hard copy ng bawat album na ginawa nila.
Ibang-iba ngayon na pwedeng magbayad para mas maraming maka-stream ng mga kanta.
Walang short cut noon. Ngayon ay may boosting sa social media.
Kaya naman solid na nostalgic memories sa panonood ng Finale concert ni Regine (second night) - third night Linggo ng gabi.
Ang sayang alalahanin at pakinggan ang mga kanta niya noon na binuhay sa kanyang concert. “In 4 years, I will be 60. And, it’s just a big stage anyway. It’s also means kasi that I will be retiring some of my songs.
“So, some of the songs that you heard tonight, you probably won’t hear them anymore. I probably won’t sing them anymore,” sabi ng nag-iisang Asia’s Songbird.

“Why? Because I can’t anymore. I don’t have the voice for them anymore. I’m here tonight not to prove to you guys that I can still perform, that I still have the voice. Obviously, it’s not like that anymore. I’m not here to prove anything. I’m here because of all of you,” sabay hiyawan ng mga taong pumuno sa Mall of Asia Arena sa nakaraang tatlong gabi.
“I show up because you keep showing up. Every time we announce that I’m going to have a concert, you just show up. You don’t care.
“Kahit anong kondisyon ng boses ko, may boses, malat, garalgal, you show up. I actually don’t know why.
“I had a concert where I didn’t even have a voice, and I was expecting for you guys to walk out because that’s a natural tendency of the audience when they get disappointed.
“You walk out and you didn’t. Instead, you sang my songs to me. You performed my songs to me. I appreciated that,” emosyonal niyang pahayag sa entablado noong second night ng Finale concert na free concert that night.
“That’s my biggest nightmare. You guys walking out. But instead of walking out, you sang my songs to me. And that’s why I’m here. Because you keep showing up,” dagdag niyang sabi na lalong nagpaluha rin sa kanyang loyal fans.
“And after 40 years, I want you to know that deciding to not do the big stage anymore is a big, big decision. And I still... Hindi pa masyadong nagsi-sink in sa akin.
“But I have changed. My voice has changed. My expectations sa sarili ko have changed. But one thing has never changed, you guys.
“You have never changed. Your love for me, your admiration for me, your loyalty for me have never changed. I’m not even sure if I actually deserve you. I’m sure you don’t.
“So my prayer tonight as Lord God, please, whatever blessings that you have bestowed upon me, please, share it with all of these people. Bless each and every one of these people that have supported me for 40 years.
“Make all their dreams come true. Make their lives better. In Jesus’ name, I pray. Thank you for the 40 years that we have shared together,” banggit pa niya sa kanyang mahabang spiel sa bandang umpisa ng concert noong Linggo ng gabi na inabot ng tatlong oras.
At tulad sa unang gabi ng kanyang concert, nakasama niya sina Mikee Cojuangco at Donna Cruz (sa pelikulang DoRemi) na 30 years na pala next month.
Ganundin ang kanyang mister, si Ogie Alcasid, kung saan nag-duet sila Hanggang Ngayon na siniguro na ang kanyang misis ang pinakamagaling na singer sa Pilipinas. “Gusto kong malaman mo na ikaw ang greatest singer sa mahal na bansang ito. At sinasabi mong ito na ang iyong pagtatapos, iyon ay sa pagitan mo at ng iyong Diyos, pero hindi magkakaroon ng pagtatapos ang pagmamahal ng mga tao,” sabi niya na karamihan din sa kanyang mga kinanta ay sinulat ni Ogie.
Emosyonal naman si Regine nang tawagin si Jose Mari Chan, para sa duet nila Please Be Careful With My Heart.
Ito aniya ang kauna-unahang duet nila na super hit noong 1989 hanggang nagkasunud-sunod na ang hit songs niya.
Ang ganda rin ng part ng concert na inawit niya ang mga theme song ng kanyang mga ginawang pelikula kung saan naging leading men niya sina Piolo Pascual, Richard Gomez, Aga Muhlach, Robin Padilla, at Christopher de Leon.
Umasa kami sa umpisa na may isa sa kanilang lima ang makaka-duet ni Regine pero waley. Na tama naman dahil makakaagaw pa sila ng moment.
Naging guest din niya ang P-pop group na DNA na ang miyembro ay pawang mga anak ni Cacai Velasquez-Mitra - binubuo ang grupo sina Tasha, Julia, at Ezri, na anak ng batikang composer at musical director na si Raul Mitra at si Cacai na producer ng Finale.
Tulad ng naunang sinabi ni Regine, huling pagkakataon na niya ‘yun sa malaking venue. Pero andyan pa rin siya.
Ramdam mo ang pagmamahal ng mga fans na talagang nag-iiyakan at nagsisigawan sa tuwing maririnig nila ang mga kanta ni Regine kinalakihan nila.
At ang exciting annoucement sa nasabing concert, aabangan ang kanyang documentary film sa 2027. Malamang tulad ito ng docu film ni Celine Dion na pinamagatang I Am: Celine Dion, na dinirek ng Oscar-nominated filmmaker Irene Taylor.
Pagkatapos ng concert ay nagprusisyon siya habang nakasakay sa isang animo’y float at kumamay sa ibang fans.
Isang icon/legend si Regine at walang pwedeng pumantay sa kanya bilang isang performer/actress.
- Latest




















