^

PSN Showbiz

“Nakatulong kay Atasha ang mga basher’ — John

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
“Nakatulong kay Atasha ang mga basher’ — John
Atasha at John Lapus
STAR / File

Inaalala kung paano pinalaki si Joshua

Naghahanap pa rin si John Lapus ng buyer sa kanyang bahay sa Project 8, Quezon City.

Matagal-tagal na rin niya itong ini-upload sa kanyang social media accounts kung saan ipinakikita niya ang three-storey property na gusto na niyang idispatsa.

Mas gusto na raw niya ng condo living dahil umaaray na rin siya sa gastos sa mga bayarin sa bill. Eh nagso-solo lang siya. Hindi na niya kasama sa bahay ang kanyang ina.

Meron na siyang target na bilhin na condo, sa kanyang pinsan na nag-migrate na raw sa Amerika. “Wala naman akong pangbili hangga’t hindi ko nabebenta iyong bahay ko. So, alam mo ‘yung lilipatan kong condo singlaki lang ng... o malaki pa ‘yung ground floor ko. Eh ‘yung bahay ko ngayon three floors, limang kwarto nga,” chika ni John na kilalang Sweet sa showbiz.

“Kung gusto ng bibili ‘yung damit ko ibibigay ko na rin eh. Pero ‘yung P18 million all-in, ‘yung mga aircon, TV, etc.” sabi pa niya.

Matatagpuan ang ang nasabing bahay sa Project 8, Quezon City. “Kung may kilala kayong broker, go.”

Samantala, kung noon ay super close sila ni Kris Aquino, ilang taon na pala silang hindi nag-uusap kahit daw sa text message man lang.

“Hindi na, unfortunately. Ang importante hindi kami magkaaway. Hindi kami magkagalit. Siguro, mayroon lang talagang tayong kaibigan na out of touch.”

Gaano na katagal? “Simula nung nawalan siya ng show sa ABS. Kasi, araw-araw pumupunta ako sa show niya sa ABS-CBN noon.

“Sabay kaming aalis, magsisimba kami. Simula noon hanggang sa na-out of touch na kami.

“And, ayun na. I guess, nagbago na sila ng number. Kasi ako hindi ako nagbago ng number ever since. But I still, of course, pray for her, for her complete and immediate healing,” umpisang kuwento ni John.

“I miss the boys. Lalo si Joshua, sa akin ‘yan lumaki. But I’m very happy na si Bimby is into show business now. Ako, gusto ko makita si Bimby. Kapag nakasalubong ko talaga, yayakapin ko talaga ‘yun nang bonggang-bongga,” dagdag na kuwento pa ni John sa amin sa launching ng Puregold Teatro Panalo kamakailan.

Hanggang naalala niya na kung gaano kabata si Joshua nang maging magkaibigan sila ni Kris. “Diyos ko, ano bang nangyari? Nag-imprint sa akin si Josh on the very reason na when me and Kris became friends, parang two to three years old lang si Joshua that time. Tapos ako ‘yung lagi niyang kasama, almost everyday. Daily show ng Today with Kris Aquino laging kasama si Josh sa studio. Hindi pumapasok si Josh sa studio dahil takot ‘yan sa madilim at of course, sa maraming tao.

“So ako ang magbabantay sa kanya habang ongoing... nagtatrabaho ‘yung nanay niya. After ng show... ng live or taping, pupunta ako sa bahay nila, si Kris.

“Unang out of town, out of the country ni Kris kasama ako. Nag-march with Joshua, together with Kris, nung first communion niya. Marami kaming pinagdaanan.”

Patuloy na pag-aalala niya: “Alam mo, to be honest, sa sobrang tagal hindi ko na rin talaga maalala. So ako happy lang ako na.”

Common knowledge sa showbiz, paiba-iba ng kaibigan si Kris kahit noon pa.

Samantala, naniniwala si John na nakatulong ang bashing kay Atasha Muhlach para lalo siyang gumaling bilang si Annie Batungbakal sa Bongga Ka ‘Day: The Annie Batungbakal Musical. “Ever since nakita ko naman, sabi ko nga, parang nakatulong pa ‘yung early bashing. Kasi ‘yung bata nag-exert ng effort. ‘Ah, bina-bash ninyo ako.’ Nag-voice lesson, nag-special dance class, na makikita ninyo rito talaga ‘yung effort at ‘yung galing ni Atasha Muhlach. So, I’m sure by now, napahiya na lahat ‘yung mga nag-bash sa kanya. Na hindi pa napapanood ‘yung play. Tapos after nila mapanood, ‘ah, okay in fairness naman.’

“So, sana please, panoorin ninyo. Iyong mga hindi pa rin makapaniwala na maga­ling si Atasha Muhlach dito sa Annie Batungbakal. Don’t take my word for it. Kayo mismo manood para malaman ninyo,” hamon pa ni John sa mga basher.

Hanggang Oct. 31 na lang ang Bongga Ka ‘Day: The Annie Batungbakal Musical. “So please watch out for it. Meron pa kami this weekend. This is our fifth weekend. So, two weekends pa, 16, 17, 18. Tapos 20, 23, 24. Then, 29, 30, 31.”

Kabilang nga pala ang True to Life ni John “Sweet” Lapus sa 12 finalist sa Puregold Teatro Panalo!

JOHN LAPUS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with