^

Probinsiya

Trader, driver itinumba habang nagpapa-gas!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Trader, driver itinumba habang nagpapa-gas!
Kinilala ang mga biktima na sina Lyndon Caliso, isang kilalang negosyante sa lungsod at opisyal ng isang kum­panya na konektado sa First Panabo Packaging Corporation at ang driver nito na si Rolando Mahinog.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Patay ang isang negos­yante at driver nito matapos na pagbabarilin ng dalawang armadong salarin habang nagpapagasolina sa isang gasoline station sa Panabo City, Davao del Norte, ayon sa ulat kahapon.

Kinilala ang mga biktima na sina Lyndon Caliso, isang kilalang negosyante sa lungsod at opisyal ng isang kum­panya na konektado sa First Panabo Packaging Corporation at ang driver nito na si Rolando Mahinog.

Ang dalawang biktima ay kapwa dead-on-the-spot sa insidente sa tinamong mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan.

Sa ulat ni Panabo City Police Station acting Chief P/Lt. Col. Ronald Lao, naitala ang krimen sa bisinidad ng MyGas station sa kahabaan ng Tadeco Road, Brgy. Nanyo ng nasabing lungsod dakong ala-1:40 ng hapon nitong Biyernes.

Base sa imbestigas­yon, kasalukuyan umanong nasa gasoline station ang target na negosyante na lulan ng kulay itim na Toyota Hilux pickup truck (GAW 7136) nang lapitan ng dalawang armadong lalaki at pagbabarilin sa may driver’s seat. Tinamaan din ng mga bala ang driver ng negsoyante sa loob ng sasakyan.

Ilang sunud-sunod na putok ng baril ang umalingawngaw sa lugar na naghasik nang sindak sa mga staff at kustomer ng nasabing gasolinahan.

Matapos na matiyak na napuruhan ang target, mabilis na nagsitakas ang mga suspek sakay ng isang hindi natukoy na behikulo.

Nagresponde ang mga awtoridad sa crime scene at nakarekober ng anim na basyo ng bala ng cal. 45 pistol. Sinusuri na rin nila ang kuha ng Closed Circuit Television (CCTV) camera sa nasabing lugar upang matukoy ang mga suspect.

Inaalam pa ng pulisya ang motibo ng krimen at kabilang sa sinisilip na anggulo ay alitan sa trabaho.

BARIL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with