^

Punto Mo

Himala: Batang babae, gumaling sa cancer (Part 1)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

SI Milan, tatlong taong na Sunni Muslim ay himalang gumaling sa cancer sa pamamagitan ni St. Charbel. 

Ang pamilya ni Milan ay nagmula sa Damascus, Syria. Dumating sila sa Lebanon bilang refugees para takasan ang civil war sa kanilang bansa. Ilang taon nang namamayani ang civil war sa Syria at marami nang mamamayan ang tumakas. Hirap na hirap ang kanilang kalagayan. Marami ang nagutom at nagkasakit.

Unang napansin ang sakit ni Milan nang magdaos siya ng ikalawang kaarawan.

Dinala siya ng mga magulang sa ospital at isinailalim sa tests, examination at operation.

Habang isinasagawa ang operation, isang virus ang umatake kay Milan. Ayon sa mga doktor, ang virus ay mas matindi pa kaysa cancer.

Pagkatapos ng operasyon, binigyan si Milan ng mga doktor nang isang malakas na gamot. Subalit, hindi bumuti ang kalagayan ni Milan?alo pang lumubha ang kalagayan ng bata.

Ipinasya ng mga magulang ni Milan na itigil na ang pagpapagamot at pagbibigay ng gamot kay Milan sapagkat wala namang nangyayari.

Sa kabila nang malubhang kalagayan at tila wala nang pag-asa na gumaling si Milan, hindi nasiraan ng loob ang ina nito. Patuloy itong nagdasal.

Hanggang sa makaabot sa kanyang kaalaman ang mga himalang dulot ni St. Charbel.

Nagdasal siya kay St. Charbel nang oras ding iyon. (Itutuloy)

CANCER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with