La Salle tinapos kamalasan

MANILA, Philippines — Walang kahirap-hirap na ginarote ng defending champion De La Salle University ang University of the East matapos tambakan ng 25 puntos, 112-87 kahapon sa UAAP Season 89 collegiate men’s basketball tournament na nilaro sa PhilSports Arena sa Pasig City.
Kumalas ang Green Archers sa huling bahagi ng unang quarter upang makaipon agad ng malaking bentahe na naging dahilan kaya hindi nauupos ang Taft-based squad sa kakahabol ng Red Warriors.
Hindi nagpaawat ang La Salle sa ikalawang canto at ipinagpatuloy ang kanilang opensiba para palakihin ang abante sa 19 puntos sa halftime, 61-42.
Kumana si Mason Amos 19 points mula sa 7-of-9 shooting sa field kasama ang limang rebounds, apat na assists at dalawang blocks para wakasan ang kanilang two-game skid at itala ang kanilang ikalawang panalo sa apat na laro.
Matapos panain ng Green Archers ang 89-87 panalo kontra National University sa kanilang unang laro ngayong season ay lumasap ng dalawang sunod na kabiguan ang tropa ni coach Topex Robinson.
Yumuko ang DLSU sa University of Sto. Tomas, 75-80, at sa Far Eastern Univeristy, 78-90.
- Latest

















