^

PM Sports

Paalam pasok sa gold-medal match

Chris Co - Pang-masa
Paalam pasok sa gold-medal match
Binigyan ng solidong kaliwa ni Carlo Paalam si Makhmud Sabyrkhan ng Kazahstan sa boxing event ng 20thN Asian Games.
PO Pool

MANILA, Philippines — Buhay na buhay pa ang pag-asa ni Tokyo Olympic silver medalist Carlo Paalam na makasungkit ng gintong medalya matapos makapasok sa finals ng men’s 55 kgs kahapon sa 2026 Asian Games boxing competitions sa Nishio Gymnasium sa Nagoya, Japan.

Nagmartsa sa gold-medal match si Paalam matapos patalsikin si Makhmud Sabyrkhan ng Kazakhstan sa bendisyon ng split decision win sa kanilang semis bout.

Maagang naglunsad ng atake si Paalam nang magpaka­wala ito ng matikas na ratsada upang makuha ang opening round mula sa 10-9 iskor galing sa apat na mga hurado.

Ngunit pumalag ang Kazakh pug sa mga sumunod na rounds para makadikit kay Paalam.

Gayunpaman, kinatigan si Paalam ng mga hurado sa huling sandali ng bakbakan para tuluyang makuha nag 3-2 spilt decision win.

Aminado si Paalam na nagulat ito sa game plan ng Kazkh bet subalit agad itong nasawata dahil na rin sa taktikang itinuro ni coach Elmer Pamisa.

“Lalabas ‘to siya, gawin ko ‘yung laro ko... unahan lang kami paano mag counter,” ani Paalam.

Naging mainit ang bakbakan sa third round kung saan nabawasan pa ng punto si Paalam.

Pero hindi hinayaan ni Paalam na makaapaketo ito sa kaniya. Sa halip, nagpaulan ito ng matatalim na atake upang tuluyang makuha ang panalo.

“Pinapakita ko sa referee na Pinoy tayo, dugo natin ‘to, kahit magkamatayan tayo. Ibibigay talaga sa last round,” ani Paalam.

Makasisiguro na si Paalam ng pilak na medalya.

Subalit daraan ito sa matinding pagsubok dahil makakasagupa nito ang hometown bet na si Rui Yamaguchi ng Japan na nagtala ng 5-0 unanimous decision win kay Mongolian Bilguunsaikhan Kharhuu.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with