Eala babawi sa Asian Games

MANILA, Philippines — Sesentro na ang atensiyon ni Alex Eala sa 2026 Asian Games matapos maagang masibak sa Singapore Open na ginaganap sa The Kallang Singapore
Lumasap ang 21-anyos Pinay netter ng masaklap na 6-4, 5-7, 3-6 kabiguan sa kamay ni world No. 18 Tatiana Prozorova sa Round of 16 upang tuluyang mamaalam sa kontensiyon.
Tila blessing in disguise naman ito dahil matututukan na ni Eala ang pagsabak nito sa Asian Games na idaraos sa Nagoya, Japan.
Magsisimula na ang tennis competitions ng Asian Games sa Linggo kung saan si Eala ang hahawak sa No. 1 seed sa torneo.
Si Eala ang paboritong magkampeon sa Asian Games.
Ngunit ayaw itong isipin ni Eala upang mawala ang pressure sa kanya.
“I think I have as big a chance as any other person on the draw,” ani Eala.
Ilan sa magiging tinik ni Eala sa Asian Games sina Shuai Zhang at Xiyu Wang ng China, at sina Lanlana Tararudee at Mananchaya Sawangkaew ng Thailand.
Wala sa Asian Games sina Zheng Qinwen ng China at Janice Tjen ng Indonesia na parehong maglalaro sa Beijing Open na kasabay ng Asian Games.
“I think once you compete and once you’re in the draw, you have a chance. So do my best of course, process the loss all on the sides on the board,” ani Eala.
Sa ngayon, pinag-aaralan ng kampo ni Eala ang mga pagkakamali nito sa kanilang laban ni Prozorova upang agad itong masolusyunan bago sumalang sa Asian Games.
“I just need to analyze and reconvene with my team. And so I’ll work on it, and I think that’s the beauty of sport, the beauty of tennis. It’s a constant. I guess, evolution, always learning,” dagdag ni Eala.
Inaasahang mas magiging mabagsik si Eala sa Asian Games dahil magiging inspirasyon nito ang mapait na kabiguan sa Singapore Open.
Mula Singapore, agad na tutulak si Eala sa Nagoya para doon na ipagpatuloy ang kanyang paghahanda para sa Asian Games.
- Latest

























