^

PSN Showbiz

Gary V, may bagong hugot sa serye ni Coco

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Gary V, may bagong hugot sa serye ni Coco
Gary V.
STAR/ File

Nagbabalik ang minamahal na boses ni Gary Valenciano sa isang Coco Martin series dahil si Mr. Pure Energy ang kumanta ng bagong theme song ng Kapamilya teleseryeng Coco Martin’s Sigabo.

Pagkatapos maging parte ang kanyang mga kanta sa FPJ’s Ang Probinsyano at FPJ’s Batang Quiapo, inawit naman nga­yon ni Gary V ang bersyon ng makabag-bag-damdaming Kung Kailangan Mo Ako, na magbibigay ng bagong kulay sa landas na tatahakin ni Gabo sa serye.

Sinisimbolo ng kanta ang bagong pananaw sa buhay ni Gabo dahil sa labis na pag-aalala at pag-aalaga para sa kanya ni Sam (Julia Montes), na hindi kinasanayan ni Gabo dahil noon pa ay sanay siyang humarap sa mga laban at pagsubok nang mag-isa.

Sa patuloy na pagpapanggap nina Gabo at Sam bilang mag-asawa, tuluyan na bang mauuwi sa tunay na pag-iibigan ang mga pusong nagkukunwari?

Huwag palampasin ang aksyon, drama at kilig sa Coco Martin’s Sigabo gabi-gabi mula Lunes hanggang Biyernes, 8 p.m. sa ALLTV2, TV5, A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live sa YouTube at Facebook at iWant. Napapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng The Filipino Channel sa cable at IPTV.

GARY VALENCIANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with