‘Ebidensya sa impeachment vs VP Sara, solido’
MANILA, Philippines — Sinagot ni House prosecutor at Bicol Saro Partylist Rep. Terry Ridon ang naging pahayag ni Vice President Sara Duterte na walang matibay na ebidensya laban sa kaniya kaugnay sa ginawagang paglilitis sa Senate impeachment court.
Ayon kay Ridon kung dumadalo lamang si VP Sara ay mababatid nitong sangkaterba ang ebidensya laban sa kaniya kung saan nakumpleto na ng prosecution panel ang pagpiprisinta ng dalawang Articles of Impeachment.
“Ang sinasabi wala daw pong ebidensiya. Kung nagpapakita po ang Pangalawang Pangulo dun po sa paglilitis, makikita ho niya na nakumpleto na po ng prosecution ‘yun pong dalawang magkakahiwalay na sets of evidence para po sa grave threats at confidential funds misuse,” ani Ridon.
Sinabi ni Ridon na naniniwala siyang ang mga ebidensya na iprinisinta laban kay VP Sara ay sapat para suportahan ang dalawang naunang artikulo para mahatulan ito sa impeachment.
“So hindi po totoo na wala pong ebidensiya na naipiprisinta at wal? pong pinagsimulang ebidensiya ang impeachment po laban sa kanya, kaya nga po nasa paglilitis na tayo ngayon,” punto ni Ridon.
Ginawa ni Ridon ang pahayag bilang reaksiyon sa sinabi ni VP Duterte na kaya umano hindi siya dumadalo sa paglilitis sa impeachment ay dahil sa wala namang matibay na ebidensya laban sa kaniya.
- Latest

















