OFW’s ang pangunahing biktima ng korapsyon
Sa panahon nang pananakop ng Kastila at Amerikano (1565-1946) ay nakapangibang bansa na ang ilan nating mga ninunong OFW’s para magtrabaho at ang karamihan ay naging tripulante at kargador sa mga barkong pangalakal ng ibang bansa.
Marami noon ang pumasok sa US Navy at ang iba ay naging upahang magsasaka sa US para makaahon sa kahirapan na nagbunga rin naman ng kaginhawahan at sa kalaunan ay naging US Citizen at nakapag-paaral ng mga anak. Sa makabagong panahon natin ay naging inspirasyon na ang pangingibang bansa na ang target destinations ay Middle East countries sukdulang isakripisyo ang buhay at dangal makapamuhay lamang ang kanilang pamilya ng matiwasay.
Sa administrasyon ni Pres. Cory Aquino noong 1988 lamang kinilala at pinarangalan ang mga OFW’s bilang “Makabagong Bayani ng Bayan” dahil sa naging kontribusyon nila sa pagbangon ng ekonomiya ng bansa. Ang mga dollar remittances nila ang isa sa naging collateral natin hanggang ngayon sa pangungutang sa ibang bansa. Masusing tinatalakay ng mga kongresista at senadores ang budget ng gobyerno taun-taon at lalo na siyempre ang magiging kaparte nila at magiging remittances naman nila, bank deposits nila sa ibang bansa. Nakaw pa more!
May mga pulitikong namerwisyo at nakapagnakaw na nang mga salaping kabahagi ng OFW’s remittances na dapat ay magpapabangon sa ekonomiya ng bansa. Aba’y kapiling nila ngayon habang nagtatago sa batas. Nakikita n’yo ba diyan sa lugar n’yo sina Zaldy Co, Harry Roque? Aba’y isuplong n’yo na!
Malamang na may mga nakaupong government officials pa ang nakatakdang ipaaresto ng Ombudsman ang nagpaplano na ring lumayas para itago ang mga ninakaw nila. Bakit nga ba natatagalan Boss Boying? Aba’y baka biglang magkakasakit ‘yan!
Bigyan naman natin ng pagpapahalaga ang mga kabayanihang kontribusyon ng mga OFW’s. Mahiya naman sana ang mga pulitiko at kanilang mga representante na dumadalaw sa iba’t ibang bansa para makipagpulong sa OFW’s para diumano’y alamin ang kanilang mga karaingan gayu’ng namumulitika lamang ang mga ito. Tandaan!, Kung walang hatid na biyaya, huwag magpabola sa kanila. Ayos ba?
- Latest















