^

Pang Movies

Female star, laging umiiwas

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

LAGING nagmamadali ang isang baguhang female star na nabibigyan na rin naman ng break sa showbiz.

Lalo na kapag may nakita siyang media sa isang event, tumatalilis agad ito na para bang laging may taxi na waiting sa kanya.

Eh gusto rin naman siyang chikahin ng media lalo na’t baguhan siya at gustong makakuha ng ilang impormasyon sa kanya.

Lalo ngayon na may aktor na nali-link sa kanya ngayon. ‘Yung aktor eh may PR sa media dahil bata pa lang ay nasa showbiz na.

Kaya naman marunong ang aktor na chumika at magpahayag nang diretso tungkol sa status ng relasyon nila ni female star.

Kaya kapag nakikita ng media si aktres, hindi na lang nila ito pinapansin dahil siguradong tatakas na naman para makaiwas!

Khalil, cheater

CHEATING husband ang character ni Khalil Ramos sa Regal Entertainment movie na Saving Cherry na palabas na sa sinehan ngayon.

Pero in real life, walang image na cheater si Khalil sa matagal nang girlfriend na si Gabbi Garcia.

Mabuti na lang, magaling ding umarte si Khalil kaya naman swak na swak ang tandem nila ni Barbie Forteza na lead actress ng movie.

Eh dahil magagaling din ang friends sa movie ni Barbie na sina Mikee Quintos, Mika Salamanca, AC Bonifacio at Sassa Gurl, bigyang-pansin din natin ang male stars ng movie gaya ni Joey Marquez at junior actors na sina Kokoy de Santos sa role na call boy na tinarget ni Barbie na maka-donselya sa kanya, si JC Alcantara na bading na natipuhan ni Barbie at Than Perez na ex-boyfie ni Barbie na cheater din.

Nakakatawa ang en­ding at malalaman kung ano ang ginagawa ng isang washing machine sa movie!

Magaling talaga si Barbie at iba niyang kasama.

 

 

SHOWBIZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with