^

Pang Movies

Luxury car ni Derek, ipinapa-auction na!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Luxury car ni Derek, ipinapa-auction na!
Derek Ramsay

Paulit-ulit ang pagtawag ni Derek Ramsay ng Puday sa anak na si Lily sa kanyang ini-upload na video na maririnig ang kanyang boses.

Aware kaya siya na ang salitang puday ay isang bulgar o kolokyal na termino sa mga wikang Cebuano, at Tagalog na tumutukoy sa ari ng babae?

Baka later on tumatak ang nasabing salita sa anak nila ni Ellen Adarna at tawagin ang bata ng kanyang followers sa labas ng puday at hindi siya makapagpigil ay mapaaway pa ang dating actor na baka by this time ay may ibang may-ari na ang kanyang luxury vehicle na Porsche 918 Spyder. Ipina-auction na ito ng Bureau of Customs dahil nga raw misdeclared ang tax nito.

Anyway, ang cute-cute pa naman ni Lily.

Ice, gumiling ala-Rihanna

Marami ang naaliw sa performance ni Ice Seguerra sa Sessionistas: The Playlist concert last Saturday particular na sa kanyang dance moves sa S&M ni Rihanna. Nakasama niya sa nasabing concert sina Sitti, Nyoy Volante, Kean Cipriano, Princess Velasco, and Juris.

Alam mong nag-effort si Ice sa pagsayaw habang naka-sleeveless na kayang-kaya naman niya.

Nostalgia ang nasabing concert kung saan ibinalik nila ang mga lumang kanta with a new flavor.

Kaya libu-libo ang share ng mga performance niya sa Tiktok.

Pero may ibang nanood na pinirata ang kabuuan nasabing concert at ini-upload kaagad sa YouTube.

Kaya naman kahapon ay nag-post si Direk Ice ng :

“I really have to say this.

“I love that people take videos during shows. I love seeing your reactions, your favorite moments, and the songs that meant something to you.

“But uploading full performances — or almost the entire concert — is different,” umpisa ng post niya.

At ipinaalala niya na hindi porke’t bumili ka ng ticket ng concert, may karapatan ka nang i-record ang kabuuan nito. “When you buy a concert ticket, you’re buying the experience of watching the show. You are not buying the right to record the whole thing and upload it to your own YouTube page.

“Hindi po dahil nakabili tayo ng ticket, atin na rin ang concert.”

Sinabi pa niyang protektado ang bawat kanta at masasabing unauthorized ang mga nagsi-share ng mga kanta kung wala itong permiso.

“There are artists, musicians, composers, producers, publishers, crew, and so many people behind every performance. That work is protected, and reposting full songs or entire portions of a concert without permission is not simply “sharing.” It is unauthorized distribution of someone else’s work,” dagdag niya.

At ang pakiusap niya, sana naman ay ‘wag gamiting content ang kanilang concert. “Please share your favorite moments. Post your photos. Post short clips. Tell people what you loved about the show. We appreciate all of that.

“But please don’t upload the concert itself.”

At ang pakiusap niya sa huli, sana naman ay tanggalin ng mga nag-post ang kanilang concert na ginamit na pang-content. “To those who have uploaded full performances from our shows, I’m asking you to please take them down.

“Support the music. Support the artists.

“Please don’t turn our work into content you never had the right to distribute.”

May mga nanonood talaga ngayon para pang-content na lang talaga at hindi para mag-enjoy sa musika ng mga pinapanood nilang artist na isang nakakalungkot na realidad.

Hindi sila nakikinig at na-aprreciate ang mga pinaghandaan ng mga artist, nakatutok lang ang camera nila at naghihintay na magkamali ang iba o kaya naman ay i-record ang bawat kanta.

Para siguro matigil ang ganun ipagbawal na sa lahat ng venue ang pagvi-video habang nanonood.

Sa Newport Performing Arts Theater ay may nakabantay na pag nakita kang nagre-record, may flashlight silang nakahanda para ilawan ka.

Janella at Klea, pamilya na ang turingan

Obviously, tanggap na ng anak ni Janella Salvador si Klea Pineda.

Like a happy family na sila sa huling post ni Janella kung saan sila pumunta sa weekend market.

“saturday morning magic” ang caption ni Janella kalakip ang mga snap nila ng pamimili ng flowers, cotton candy ni Jude, at iba’t ibang ganap nila.

Very open na sina Janella at Klea sa kung anuman ang relasyon nila ay pinupusuan ng maraming netizens.

DEREK RAMSAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with