Pampanga, 2 pang lugar nasa state of calamity
MANILA, Philippines — Isinailalim na sa state of calamity ang lalawigan ng Pampanga dahilan sa matinding epekto ng habagat na nagdulot ng mga pagbaha sanhi nang malalakas na pagbuhos ng ulan.
Sa ulat na tinanggap ng Office of Civil Defense (OCD) nasa 269,775 pamilya o kabuuang 860,076 indibidwal ang matinding naapektuhan ng mga pagbaha na nagpalubog sa malaking bahagi ng lalawigan.
Naitala sa P505 milyon ang pinsala sa agrikultura sa lalawigan na nakaapekto sa 3,787 magsasaka at mga mangingisda.
Sa pahayag ng pamahalaang panlalawigan, ang pagdedeklara ng state of calamity ay magagamit ang Quick Response Fund sa relief operations, emergency response sa mga apektadong komunidad
Samantala, isinailalim din sa state of calamity ang Mangaldan, Pangasinan at Rodriguez, Rizal na dumanas ng matinding mga pagbaha.
- Latest




















