Mikee, nag-iba ng image

MANILA, Philippines — ‘New me’ si Mikee Quintos sa ginanap na grand media conference ng pelikulang Saving Cherry na pinagbibidahan nila nina Barbie Forteza noong isang araw. Mas daring at palaban actually.
Babu na siya sa pagpapa-cute, in terms of physical appearance at living independently na rin. “I’ve moved out from my family home. Doon ko na-realize, and this is the big reason why you should watch the movie (Saving Cherry), kasi ito rin ang message ng pelikula namin, na ‘yung love na hinahanap natin sa romantic relationship, hindi lang natin ‘yon puwedeng sa romantic makuha ‘yon.
“Kaya nating ibigay ‘yon sa sarili natin from our friends. Ako kasi, sa experience ko sa pag-move out ko, doon ko nahanap na ‘yung hinahanap kong love sa relationship, kaya ko palang makita sa pagbili ng kurtina, sa pagpili ng paint sa wall, sa pagpili ng upuan sa dining. Doon ko na-feel ‘yon,” paliwanag niya sa kanyang independence sa kasalukuyan.
At nang natanong tungkol sa lovelife pagkatapos ng relasyon kay ni Paul Salas : “Wala po, eh! Baka kayo may update. Hahahaha! Matagal na nga rin wala. I think kasi mas nag-i-enjoy ako ngayon.”
At hindi rin niya nararamdaman na may umaaligid sa kanya kahit may paalindog , expose ang cleavage.
Daring, confident and carefree ang bagong siya. “I guess this is the new me! I’m getting to know her pa! Gusto ko pang malaman kung ano pa ang mga kaya niyang gawin! Pero, sana subaybayan pa rin n’yo. Umpisa na ito!” sabi niya sa ilang kaharap na entertainment media.
Pero ayaw niya raw na tuldukan kung ganito na ba talaga siya. “Honestly, I wanna know too. Hindi ko pa alam. Ayoko pang tuldukan, or iplano, at gusto ko pang makita kung ano ang mga mangyayari. Bagay ba? We’ll see!”
At ‘yun nga wala pa naman nagpaparamdam sa kanya. “Nasaan kaya sila? Please, express one! Hahahaha!” sabi niya.
“Wala talaga, eh. Siguro, I don’t go out din kasi, taong bahay rin kasi ako, dahil nai-enjoy ko nga ‘yon. Sige, I’ll try to go out din muna,” sabi pa ni Mikee.
Anyway, isang ina siya sa Saving Cherry na bukod kay Barbie Forteza ay kasama rin sa pelikula sina AC Bonifacio, Mika Salamanca, Sassa Gurl, Kokoy De Santos, Khalil Ramos, JC Alcantara, at sa direksiyon ni Ivan Andrew Payawal, at prodyus ng Regal Entertainment at mapapanood sa mga sinehan umpisa sa Sept. 2.
- Latest

























