Megan, ‘nakinig’ sa katawan!

Nag-share ulit sa social media si Miss World 2013 Megan Young ng kanyang naging journey sa pagpapapayat.
Sa Instagram, nai-document ng misis ni Mikael Daez ang pagbaba niya ng 20 lbs sa loob ng apat na buwan.
Nagsimula ang kanyang regimen noong Marso 2026 sa ilalim ng gabay ni Coach Myra.
Mula Marso hanggang Abril, nagsagawa siya ng weight training 3-4 beses every week.
Noong May, sinimulan niya na ring ilista ang kanyang daily food intake.
In June, napansin na ang pagbaba ng kanyang timbang at pagtaas ng kanyang self-confidence.
“Having so many changes in your body after giving birth can really mess with your mind A year ago, I could not recognize myself and I didn’t love myself enough
“But even on my worst days and days when I didn’t feel “motivated” I really tried to get in some movement. Mommas, I see ya!!! It’s not easy!!! Here are some things I did that helped get me started:
“Waited for my OB’s approval to start getting movement in started by walking and by following @growwithjo home workouts (as in marching in place!!! Pag tulog si Leon noon, eto ginagawa ko) my core didn’t feel right and I worked on restoring my core via @coachmamamindy.fit’s program leveled up my workouts by following @madfit.ig on Youtube and @sweat workouts at 10 months post partum, I wasn’t pumping/breastfeeding anymore so I felt ready to level up & started lifting heavy with @myragolloso’s guidance. After 2 months of working out with her, I decided to go for a calorie deficit.
“Every momma’s journey is different listen to your body cheering for you mommas out there”
Will, natakot sa malaking motor
Bilang paghahanda para sa kanyang bagong Kapuso teleserye na Delivery Boi, lumahok si Will Ashley sa isang safety in riding seminar.
Kasama niya rito ang kanyang mga co-stars na sina Mikoy Morales, Vince Maristela, at Gio Alvarez. Sumailalim sila sa pagsasanay sa pagmamaneho ng parehong automatic at manual na motorsiklo.
“At first, nakakakaba siya kasi ngayon lang ulit ako nag-motor after two, three years, but sobrang excited ako nung susubukan ko na siya.
“Nagkaroon ako ng kaba nung nalaman ko na may clutch yung gagamitin ko ‘tapos, yung malaki pa. Pero yun nga, thank you Lord, fast learner at natutunan ko naman siya agad.
“Hindi lang siya para matuto ka mag-motor, e. Kumabaga, tinuturo rin nila yung tamang way ng pagmamaneho, hindi pagiging kamote sa daan. Kaya sobrang thankful ako na nagkaroon kami ng ganitong pagsasanay.”
Bukod dito, kabilang din sa paghahanda niya ang pagsalang sa acting workshops.
Fil-Am actor sa Spiderman, ikinasal na!
Opisyal nang kinasal ang Filipino-American actor na si Jacob Batalon, na kilala sa pelikulang Spiderman as Ned Leeds, ang best friend ni Peter Parker (played by Tom Holland).
Sa isang podcast interview, binanggit ni Jacob na si Veronica Leahov, isang interior designer, ang kanyang wife. “My wife calls me big dog,” tawa pa niya.
Noong March 5, 2025, pinost ni Jacob ang photos ng proposal niya kay Veronica. Tinawag niya itong, “The beginning of the rest of our lives together,” in front of a large, heart-shaped floral display at ang engagement ring ni Veronica.
“I never imagined my heart could hold so much love and feel such depth of emotion. This is the purest happiness I’ve ever known, and I can’t wait to spend forever with the love of my life!!” caption ni Veronica sa IG post nito.
Hindi binanggit ni Jacob kung anong buwan sila ikinasal ni Veronica.
- Latest






















