Bad Shot
I love Bacolod.
Magandang lugar. Masarap ang inasal. Mababait ang tao.
Pero this time, sa nangyari sa isang MPBL game nung Martes, I hate Bacolod.
Inakusahan ang Bacolod ng game-fixing sa MPBL sa isang game kontra Bulacan.
Mantakin mo, sa last eight minutes (7:52 to be exact), dehins naka-score kahit one point ang team.
Especially nung natambakan na sila, open court basketball na nga, dehins pa din maka shoot.
Sablay dito, turnover doon.
Kung sasabihin na minalas, eh wala nang mas malas pa sa kanila.
Pati ang swabeng commentator na si Cedelf Tupas, na taga-Bacolod, muntik nang ma-high blood sa nakita niya.
Kaya ang hatol ng MPBL: suspended ang Bacolod for the rest of the 2026 season at baka ma-ban ang players nila.
Kalokohan.
Pang world record.
- Latest


















