Ilog sa Laguna umapaw: 2 bata nilamon ng baha

MANILA, Philippines — Dalawang bata na magkapatid ang nawawala matapos na tangayin ng malakas na agos ng tubig-baha sa pag-apaw ng ilog sa Brgy. Mapagong, Calamba City kamakalawa ng hapon.
Sa ulat ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), ang dalawang bata ay magkapatid na nagkakaedad 8 at 10 anyos.
Samantala, nasagip naman ang ina ng mga bata matapos na tangayin ng flashflood sa nasabing lugar.
Kabilang sa mga nailigtas ay tinukoy lamang sa mga pangalang Regine, Gilbert Atasan at Jared Benitez.
Base sa report, ang pag-apaw ng ilog at pagbaha ay sanhi ng malalakas na pagbuhos ng ulan kung saan naapektuhan ang kabahayan sa tabi ng pampang ng ilog na tinangay at nasira sa flashflood.
Nasa anim na kabahayan ang tinangay ng baha habang nasa 22 naman ang nagtamo ng pinsala sa insidente habang 22 namang pamilya na naapektuhan ang inilikas muna pansamantala. Patuloy naman ang pamamahagi ng relief goods ng pamahalaang lungsod sa mga pamilyang naapektuhan ng pagbaha.
- Latest























