Staff ng serye, ramdam ang paghihigpit sa pera ng network
Nagkaroon ng pagbabago sa namamahala sa produksyon ng isang series na napapanood ngayon.
Isang taong malapit na malapit sa bida ang pumasok sa series kaya nadama ng staff ang pagiging mahigpit nito sa lahat ng perang lumalabas kaugnay ng series.
Eh nung wala pa ang taong ito, maayos naman ang takbo ng production. Magastos kung sa magastos ang series pero nakikita naman ito sa resulta ng trabaho ng lahat sa production.
Mas mabusisi raw kasi ang taong ito. Gusto niyang lahat ng perang lumalabas eh all accounted for!
Eh dahil malapit sa bida, walang magawa ang staff kundi sumunod dahil baka mawalan sila ng trabaho!
Richard, ‘di pabor sa AI!
Hindi aprubado ang aktor na si Richard Gutierrez sa paggamit ng AI o artificial intelligence sa action scenes.
Alam ni Chard na ang tawag sa AI noon ay CGI o computer-generated images na ginagamit nila noon para maging mas bongga ang mga eksena.
Pero sa AI, napapabilis ang trabaho lalo na ng editors.
“Sa work namin, lalo na sa action series gaya nga ng Blood vs Duty, hindi agad natatapos ang kinukunang eksena.
“Ako ayaw ko rin ng bumubuo ang eksena dahil sa AI. Pero we have to elvolve because of technology. ‘Yan na talaga ang future natin,” pahayag ni Chard nang makaharap ng isang grupo ng press.
“Nakakatuwa rin na pinag-uusapan na ang AI as early as now kasi parang (isa) kami sa mga unang gumamit ng AI.
“And I think it’s a really good discussion. Siyempre we can’t deny the fact that AI is there. And it’s gonna be there forever. It’s just a matter of paano natin siya gagamitin in a way na nakakatulong siya sa atin in a positive way, ‘di ba?
“‘Yung protected din ‘yung mga artist, protected din ‘yung mga workers,” dagdag niya.
Malaking tulong daw talaga ito para mapabilis lalo na at lagi silang naghahabol sa oras.
“So I think… sa taping kasi natin, sa teleserye that Filipinos do the teleseryes, ang hirap ‘di ba? Ang oras laging hinahabol? So, actually makakatulong talaga ang AI sa post-production natin. Mapapabilis niya ‘yung paggawa ng eksena,” sey pa ng aktor.
Magtatapos na ang Blood vs Duty kung saan si Barbie Imperial ang kapareha ni Chard.
Kung sa simula ng series eh kinakabahan si Barbie, tinutulungan siya ni Richard upang maging komportable sa set at huwag magpaapekto sa mga nababasa niyang hate comments.
Sa pagtatapos ng series next week at sa July 24 ang finale night, ipinagmamalaki ni Richard ang mas maaksyong eksena na dahilan kung bakit tinutukan ito ng mga manonood.
- Latest



















