Lance at Aubrey, bff pa lang!

Best of friends but ‘girlfriend material’ kung i-describe ng 25-year-old actor (from Davao) na si Lance Carr ang kanyang ka-loveteam, ang Viva singer-actress na si Aubrey Caraan nang tanungin ng inyong lingkod kung nasaang level na ang kanilang relasyon during the presscon ng kanilang upcoming horror movie na Rosario ng Viva Films and Studio Viva.
Ang nasabing pelikula ay tinatampukan din nina Jairus Aquino, Meg Imperial, Yumi Garcia kasama sina Suzette Ranillo, Rose Van Ginkel at Bernadette Allyson at nakatakdang ipalabas sa mga sinehan sa buong bansa sa Aug. 5, 2026.
Samantala, mag-isa lamang sa Maynila si Aubrey kaya kay Lance ipinagbilin ng ina ng singer-actress ang kanyang anak.
Ganun ang tiwala ng ina ni Aubrey kay Lance.
Maging si Aubrey ay sinasabing best of ‘best of friends’ ang turingan nila pero nagbiro ito na ‘husband material’ umano ang kanyang ka-loveteam.
Bago ang pelikulang Rosario, sina Aubrey at Lance ay ginawang loveteam ng Viva sa Viva One series na Avenues of the Diamond nung 2025 at kasunod na rito ang kanilang kauna-unahang pelikula, ang Rosario.
Pareho silang graduate ng Communication Arts, si Aubrey sa De La Salle University – Lipa habang si Lance naman ay nagtapos na cum laude sa Ateneo de Davao.
Si Aubrey ay nagsimula sa all-girl group Pop Girls sa bakuran ng Viva na nabuwag nung 2017. Dito siya nag-crossover sa acting sa bakuran ng Viva.
Bukod sa sariling serye nila, nakagawa na rin sila ng ilang Viva One series – kasama na rito ang Golden Scenery of Tomorrow at Hell University.
Nakasama rin sila sa pelikulang pinagbidahan nina Ashtine Olvida at Andres Muhlach, ang Minamahal: 100 Bulaklak Para Kay Luna.
Since horror ang tema ng Rosario, nag-research at nanood si Lance ng ilang horror films para mabigyan niya ng hustisya ang kanyang ginampanang papel.
Samantala, nagmula rin si Aubrey sa isang reality show nang siya’y sumali sa Pinoy Dream Academy: Little Dreamers nung siya’y bata pa ang placed No. 4.
Si Lance naman ay produkto rin ng talent reality show, ang Pinoy Big Brother: Otso and did some guestings sa ilang serye ng ABS-CBN tulad ng Bawal Lumabas, Dirty Linen, Beach Bros at iba pa bago siya lumagda ng kontrata sa Viva Artists Agency nung nakaraang taon.
- Latest



















