^

Probinsiya

49 estudyante nag-panic, hinimatay, naospital

Doris Franche-Borja, Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

Magnitude 5.4 lindol tumama sa Masbate

MANILA, Philippines — Nasa 49 na high school students, karamihan ay mga babae mula sa dalawang paaralan sa bayan ng San Fernando, Masbate ang isinugod sa pagamutan matapos na sumama ang pakiramdam, mahilo, at mawalan ng malay nang mag-panic sa biglaang pagtama ng 5.4 magnitude na lindol Claveria, ng nasabing lalawigan kahapon ng umaga.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naitala ang sentro ng lindol 40-kilometro sa timog-kanluran ng Claveria, Masbate dakong alas-8:53 ng umaga, tectonic in origin at may lalim ito na 7 kilometro.

Sinabi pa ng Phivolcs, naramdaman din ang Intensity lll sa Legazpi City sa Albay; Aroroy, Masbate; Castilla, Donsol, at Sorsogon City, sa Sorsogon. Intensity ll sa Gumaca at Mulanay sa Quezon; Ligao City at Tabaco City sa Albay; Iriga City, Pili, Ragay at Sipocot sa Camarines Sur. Intensity l sa Odiongan, Romblon; Batuan, Masbate; Sangay, Camarines Sur; Bulusan at Prieto Diaz sa Sorsogon; at Malinao, Aklan.

Dahil sa lakas ng pagyanig, 40 estudyante mula sa España National High School at 9 na estudyante ng Don Carlos Mejias National High School sa bayan ng San Fernando, ang sumama ang pakiramdam dahil sa takot at pagkahilo at lahat sila ay isinugod ng mga rumespondeng pulis at miyembro ng Municiapal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO)-San Fernando sa Rural Health Unit ng bayan na agad nabigyan ng atensyong medikal.

Ayon sa pang rehiyong opisina ng Department of Education ng Bicol, karamihan ng mga estudyante, guro, at iba pang kawani gaya ng Tugbo Elementary School sa Masbate City ang na­ging maagap sa pagsunod sa kanilang ipinatutupad na earthquake safety protocols na “duck, cover, at hold” sa pagtama ng lindol.

STUDENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with