Walang term extension kay Marantan - Castro
MANILA, Philippines — Inihayag ng Malacañáng na hindi na palalawigin pa ang serbisyo ni CALABARZON Regional Director Police Brigadier General Hansel Marantan na nakatakda nang magretiro ngayong buwan sa kabila ng kahilingan ni Interior Secretary Jonvic Remulla sa National Police Commission (Napolcom) na palawigin pa ng isang taon ang serbisyo nito.
“Wala pong extension para po kay General Marantan at maaari po siyang makatulong sa iba pang pamamaraan,” sinabi ni Palace Press Officer Atty. Claire Castro.
Si Marantan ay nakatakdang magretiro ngayong Hulyo 10, sa mandatory age ratirement na 56.
- Latest

















