Collab ni Sofronio kina Paul at Michael, lalabas na!

Bukas, araw ng Biyernes, July 10, 2026, ay nakataktang ilabas ng Universal Music Group ang unang collaboration ng dalawang seasoned Canadian music icons na sina Paul Anka (84) at Michael Buble (50) at ang Filipino singer-performer at kauna-unahang Asian male and Filipino singer na naging grand champion sa ika-26th season ng American singing competition, ang The Voice 2024 na si Sofronio Vasquez, ang sarili nilang version ng classic hit ng yumaong American crooner and actor na si Frank Sinatra.
Unknown to many, si Paul Anka ang naglapat ng English language lyrics sa awiting My Way na ang original melody and lyrics was written in French nung 1967 na may titulong Comme d’habitude nina Jacques Revaux, Gilles Tribaut at ang popular French singer-songwriter and dancer na si Claude Francois. Taong 1969 naman ni-record ni Frank ang English version (with lyrics by Paul Anka), ang My Way na naging malaking hit worldwide.
Ito ay isa sa mga paboritong awitin sa mga karaoke bars ng mga Pinoy everywhere.
Naging close na kaibigan ni Sofronio ang kanyang coach sa The Voice na siya ring nag-introduce kay Paul Anka kaya nabuo ang kanilang kolaborasyon.
Si Sofronio na unang sumali sa Tawag ng Tanghalan (TNT) ng It’s Showtime nung 2017 kung saan siya pumasok as one of the finalists at final 3 sa kanyang muling pagbabalik sa TNT nung 2019 ay isa sa nakapagdala ng karangalan sa mga Filipino at sa buong Pilipinas.
Jun Polistico, hindi na kilala ng mga kabataan
Sa mga bagong henerasyon ngayon, tiyak na hindi nila kilala ang Filipino music icon, hitmaker na nakilala rin sa ibang bansa particularly in Honolulu, Hawaii at sa Las Vegas, Nevada kung saan siya naglagi ng maraming taon, si Jun Polistico na sumikat nang husto nung early ‘70s sa Pilipinas.
Kay Jun tumatak nang husto ang classic hit song na Mahiwaga composed by Ador Torres na nilapatan ng letra ng Kundiman singer na si Ric Manrique, Jr. who first recorded the song bago si Jun. Pero kay Jun tumatak nang husto ang nasabing awitin nung mid-’70s nung siya’y nasa Amerika na at siyang lead vocalist ng sikat noong grupo sa Hawaii at Las Vegas, ang Society of Seven (SOS) kung saan nagmula ang namayapang ama ni Martin Nievera na si Bert Nievera. Si Bert ang pinalitan ni Jun kaya hindi nagtagal ang kanyang pamamayagpag sa Pilipinas.
Na-impress kay Jun ang Hollywood celebrities at world boxing personalities including Don King nang ito’y mag-perform sa pre-fight ng Thrilla in Manila nina Muhammad Ali at Joe Frazier nung October 1975 na ginanap sa dating Philippine Village Hotel in Pasay City.
Nang mag-perform si Jun sa Top of the Hilton (sa may United Nations Avenue, Manila) ay napanood siya ng isa sa founding members ng SOS na nasa Maynila for a vacation and he was convinced to join their group dahil paalis na noon sa grupo si Bert Nievera (to go solo).
Hindi agad tinanggap ni Jun ang offer dahil maganda na ang takbo ng kanyang singing career sa Pilipinas until kumbisihin siya ng dating MOD Magazine editor na si Ernie Evora to accept the offer at doon lamang niya tinanggap ang alok.
In 1977 ay naging bahagi siya ng SOS, ang kilalang showband in Honolulu, Hawaii na regular attraction ng Outrigger Hotel ng nasabing lugar na sa ibang buwan ay naglilibot sila sa iba’t ibang bahagi ng Amerika laluna sa Las Vegas, Nevada kung saan sila may strong following.
In 1983 ay umalis si Jun sa SOS to go solo in Las Vegas hanggang mag-partner sila ng isa pang kilalang Filipino singer nung ‘70s na si Jonathan Potenciano.
- Latest






















