Ashfall mula sa Bulkang Kanlaon, umabot na sa Cebu

MANILA, Philippines — Umabot na sa lalawigan ng Cebu ang ashfall sa pagputok ng Bulkang Kanlaon kahapon sa Negros Island Region (NIR), ayon sa ulat nitong Huwebes.
Sa report ng Office of Civil Defense (OCD-NIR, kabilang sa naapektuhan ng ashfall ay ang San Carlos City, Negros Occidental; Canlaon City, Negros Oriental gayundin ang ilang bahagi ng lalawigan ng Cebu.
Kabilang sa naapektuhan ng ashfall ay ang Brgys. Buluangan at Quezon; pawang sa lungsod ng San Carlos City kung saan idinaing ng mga residente rito ang mabahong amoy ng sulfur mula sa bulkan at pagbagsak ng ashfall.
Ang mga residente ay pinayuhan naman ng lokal na pamahalaan at ng mga disaster officials na magsuot ng face mask kapag lalabas ng bahay dahilan delikado sa kalusugan ang volcanic smog na nakapagdudulot ng iritasyon sa mata, sakit sa baga at iba pang uri ng problemang pangkalusugan.
Dahil dito ay nasuspinde ang pasok ala-1:00 ng hapon sa mga tanggapan ng lokal na pamahalaan maliban sa mga essentiyal at emergency services. Pansamantalang sinsuspinde ang face-to-face na klase sa lahat ng antas at ginawa munang alternative modes of learning.
Sa Canlaon City, ay naiulat ang ashfall sa Brgys. Binalbagan, Bayog, Aquino, Malaiba, Mabigo, Panubigan, Lumapao at ilang bahagi ng Masulog at Linothangan.
Inireport din na apektado ng ashfall sa Cebu na kinabibilangan ng Toledo City, Balamban, Lapu-Lapu City, Cordova, Mandaue City, Aloungisan, Pinamungajan, Minglanilla, Naga City, Talisay City, Cebu City, Consolacion at Liloan.
- Latest




















