Robin, tsinugi na rin sa Blood...

MANILA, Philippines — Ay tsinugi na rin pala ang karakter na ginagampanan ni Robin Padilla bilang Ahmad Mustapha sa Blood vs Duty, na hudyat para umarangkada ang planong destabilisasyon sa gobyerno.
Ang presidential chief of staff at kakampi ni Jalil (Gerald Anderson) ang siyang huling biktima ng mastermind na si General Manuel Carillo pagkatapos ng kanilang harapan na nauwi sa kanyang pagkamatay.
Tumatak ang karakter ni Robin bilang Muslim sa teleserye dahil na rin sa authenticity na ipinamalas niya.
Nagpahayag ng pagpapasalamat ang veteran star sa ABS-CBN para sa oportunidad na ito noong nagsimula siyang mapanood sa programa.
“Ako po ay nagpapasalamat nang buong puso sa balanseng paglalahad sa istorya patungkol sa buhay ng mga kababayan ninyong mga Filipino Muslim. Ang malinaw na pagpapakita ng aming pananampalatayang Islam ay ginintuan sa aming mga mata, ganon din ang mga tradisyong katutubo ng mga tribo patungkol sa pamilya at komunidad ay kayamanan ng ating bayan sapagkat isa itong kaalaman ng pangkalahatan at magbibigay ito ng malawakang pagkakaintindihan tungo sa inaasam nating kapayapaan sa ating bansa,” sabi niya.
Nagustuhan ng mga manonood ang naging comeback TV project ni Robin kung saan napanood muli siya sa larangan ng aksyon.
Ikinatuwa rin ng iba ang aksyon na hatid ni Robin kasama ang lead actors na sina Richard Gutierrez at Gerald Anderson.
Pero marami rin naman ang kumontra sa paglabas niya sa nasabing serye na last three weeks na lang.
Na-bash pa ito at kinukuwestyon kung ba’t kailangan pa itong mapabilang sa serye.
Anyway, bago nga magtapos ito ay tsinugi na sila ni Bela Padilla na ang isyu naman ay naging pakialamera at nag-feeling director sa serye.
- Latest






















