Rez, pinalayas ang mister ni Cai

Isa si Rez Cortez sa mga pinakasikat na kontrabida sa show business. Maglilimang dekada nang aktibo ang aktor sa industriya.
Para kay Rez ay malaki na ang ipinagbago sa istilo ng pag-arte ng mga kontrabida sa mga dekadang nakalipas. “No’ng araw ‘yung kontrabida black and white. May mga actuations or movements na indicating. Para bang goons ako, napaka-external. Umabot ako sa point na iba na ‘yung sistema. Kailangan na-internalize mo. It should be within you and hindi dapat makita sa body movement kung hindi kahit sa mata lang makikita mo na kontrabida siya. Mas effective ka kung gagawin mo ‘yung hindi nila inaasahan,” pagbabahagi sa amin ni Rez sa Fast Talk with Boy Abunda.
Mayroong pagkakataon na nadadala umano sa bahay ng beteranong aktor ang kanyang pagiging kontrabida. “There’s a time na meron akong shooting, kontrabida, sigaw-sigaw, nagagalit. Pag-uwi ko ng bahay, natulog ako. Paggising ko, maingay sila, ‘yung anak kong lalaki, kabayu-kabayo pa sa akin. Nagalit ako, sinigawan ko, blah-blah-blah. So ‘yung anak ko, nagulat. ‘Bakit ganito ‘yung tatay ko?’ I also realized na, ‘Bakit ako gano’n?’ Actually gusto kong naglalaro with my kids, pero bakit sinigawan ko. ‘Yon pala, ‘yung influence ng role ko, nadala ko hanggang bahay. Kaya being an actor, kailangan marunong tayong mag-wash, magpagpag para mawala ‘yon at mabalik ka sa kung sino ka,” pagbabalik-tanaw ni Rez.
Taong 2009 nang sumabak din sa show business ang anak ni Rez na si Cai Cortez. Noong una ay hindi pumabor ang aktor sa kagustuhan ng anak na maging isa ring artista. “Actually, meron pa akong initial resistance. ‘Huwag ka nang mag-artista kasi it’s not easy.’ Nalaman ko meron na siyang movie na ginagawa,” kwento ng aktor.
“Noong una diniscourage niya ako. Kasi alam niya gaano kahirap, ‘yung mga disappointments. Kung gaano kahirap kumita, hindi consistent ang kita para magtaguyod ng pamilya. Na-appreciate ko ‘yun kasi it taught me to learn on my own. Hindi niya ako in-spoon-feed,” nakangiting pahayag naman ni Cai.
Mayroong dalawang anak si Cai asawang si Wissem Rkhami. Matagal nang hiwalay ang aktres sa estranged husband na isang Tunisian. Pabor umano si Cai na maisabatas na sa Pilipinas ang Divorce Bill. “Alam naman natin na only thing constant in this world is change. Ang tao hindi exemption diyan, ang tao nagbabago. Hindi naman imposible sa kalagitnaan, ‘Sure na, ito ‘yung tao para sa ‘yo.’ Kalagitnaan may nagbago, hindi mo nagustuhan ‘yung pagtrato sa ‘yo, lalo na kung wala nang respeto sa ‘yo. Naniniwala akong you can stand for yourself and you can say no. You can say, ‘I deserve better.’ No’ng time na hindi ko na kaya, tinatanong pa rin niya (Rez). Pero when I really decided na, no, enough is enough. Tinanggap niya ‘yung decision ko and he supported me and my kids,” makahulugang paglalahad ni Cai.
Ipinaliwanag ni Rez kung bakit suportado niya ang pakikipaghiwalay ng anak sa mister nito. Hindi man pabor sa diborsyo ay maluwag sa dibdib na natanggap ng beteranong aktor ang naging desisyon ni Cai. “No, kasi kami ni Candy (asawa ni Rez), we are members of a Catholic renewal group. Naniniwala kami na kapag nag-asawa ka, whatever God put together, let no one put a sander. Kami na ang gumawa ng paraan para palayasin ‘yung lalaki sa bahay,” pagtatapat ni Rez.
(Reports from JCC)
- Latest























