Don Julio, JB Hernandez masisilayan sa Silver Cup
MANILA, Philippines — Dalawang Philippine Sportswriters Association, (PSA) awardees ang masisilayan ng mga karerista paglarga ng 2026 PHILRACOM-PCSO “Silver Cup” sa Linggo.
Paparada sa pista ng Philippine Jockey Club sa Padre Garcia sa Batangas ang reigning PSA - Horse of the Year Don Julio na gagabayan ni Ronald Baldonido.
Nagsaad din ng pagsali ang tigasing Midnight Bell na sasakyan naman ni 2025 PSA - Jockey of the Year Jonathan Basco Hernandez.
May distansyang 1,800 meter race, ang ibang makikipagtagisan ng bilis ay ang Basheirrou, Circus Crowd, Easy Does It, Ghost, Istulen Ola, Jungkook, Pine Noveau, Primavera, Transform, Vinalot Eyu at War Cannon.
Kaya asahang magdadagsaan ang mga karerista sa mismong venue at sa Off Track Betting stations para saksihan ang magandang labanan sa event na inisponsoran ng Philippine Charity Sweepstakes Office, (PCSO).
Nakalaan sa nasabing karera ang P4-M guaranteed prize na ikakalat sa unang anim na kabayong tatawid sa meta.
Posibleng magpakitang gilas ang kalahok na Vinalot Eyu, Jungkook, Transform at Ghost na puntirya rin na masikwat ang P2.4-M premyo.
Magbubulsa ang pangalawa ng P800,000, mapupunta sa pangatlo ang P400,000 at P200,000 sa fourth place.
- Latest


















