^

Police Metro

PNP-HPG rider na-hit and run sa SLEX

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sumemplang at nasugatan ang isang miyembro ng PNP Highway Patrol Group (HPG) matapos mabangga ng isang puting SUV ang kaniyang minamanehong motorsiklo sa southbound lane ng kahabaan ng South Luzon Expressway (SLEX) sa Muntinlupa City nitong Linggo ng umaga.

Isang manhunt operation ang inilabas ng National Police Commission (Napolcom) laban sa driver ng SUV.

Lumilitaw sa video footage na kumakalat online, sinalpok ng SUV ang rider na pulis at agad tumakas na naglalagay sa panganib hindi lamang sa isang alagad ng batas na gumaganap ng kanyang tungkulin kundi pati na rin sa kaligtasan ng iba pang mga motorista sa kalsada.

Inatasan ni Calinisan ang PNP-HPG na imbestigahan ang insidente upang matukoy ang driver ng SUV at inaasahan ang agarang imbestigasyon ng PNP-HPG upang matukoy at makasuhan ang suspek.  

HIT AND RUN

SLEX

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with