Mangingisda dedo sa kidlat
MANILA, Philippines — Dead-on-the-spot ang isang mangingisda nang aksidenteng tamaan ng kidlat sa gitna ng malakas na pagbuhos ng ulan sa Brgy. Tarong, Madridejos, Bantayan Island, Cebu.
Kinilala ang nasawing biktima na si Sammy Santillan, 51-anyos na halos nasunog ang katawan sa tama ng kidlat.
Sa ulat ng Cebu Police, nangyari ang insidente nitong umaga ng Biyernes habang ang biktima ay nasa dalampasigan at nanghuhuli ng alimango sa gitna ng malakas na pagbuhos ng ulan.
Bigla na lamang bumuhos ang malakas na ulan at kasunod ay pagkidlat at nasapol ang biktima na agad niyang ikinasawi.
- Latest

















