OPM Con, babalik!

Matapos ang dalawang magkasunod na taon ng sold-out na concerts at viral moments ng fans—kasabay ng pag-aabang ng buong bansa—nagbabalik ang isa sa pinakahihintay na music events ng taon – OPM Con Generations, kung saan pagsasama-samahin nito ang ilan sa pinakamalalaking pangalan sa industriya para sa isang gabi ng pagdiriwang ng patuloy na pag-usbong ng musikang Pilipino at mga komunidad na nabuo dahil dito.
Kabilang sa mga tampok ng kinikilalang folk-pop band na Ben&Ben at ang sumisikat na P-Pop group na Alamat, na hindi lamang magtatanghal kundi magsisilbi rin bilang dalawa sa mga pinakabagong brand ambassadors ng Puregold—isang makabuluhang kolaborasyon lalo para sa kanilang mga tapat na tagahanga na kilala bilang Liwanag at Magiliw.
Bibida rin sa OPM Con ngayong taon: ang mga hari ng P-Pop, SB19, ang sikat na rapper na si Flow G, isa pang sikat na rapper na si Skusta Clee, ganundin ang bandang SunKissed Lola, at ang mga pausbong na all-female P-Pop groups, G22, KAIA at Xonara.
Mula sa mga kapana-panabik na pagtatanghal ng P-Pop, mga kilalang kanta ng rap, mga emosyonal na kanta at viral na nangunguna sa mga tsart, ipinapangako ng OPM Con Generations ang hindi malilimutang selebrasyong tatawid ng genre, henerasyon at fandom.
Mula sa paglulunsad nito noong 2024, mabilis na naging pinaka-inaabangang live music event ang OPM Con, at pinalalakas nito ang pagmamahal ng fans sa OPM music.
Dagdag naman dito ang mekanismo ng pagkuha ng tiket, kung saan nagiging bahagi rin ng karanasan ng mga tagahanga ang pamimili sa grocery.
“Music has a unique way of bringing people together, no matter the generation or genre,” sabi ni Ivy Hayagan-Piedad, Senior Marketing Manager ng Puregold Price Club Inc. “Through OPM Con Generations, Puregold hopes to create a space where loyal Puregold customers and fans can proudly gather, interact, and celebrate Philippine artistry and culture,” dagdag niya.
Opisyal na magsisimula ang ticket redemption para sa OPM Con Generations sa Hunyo 12 sa 12 piling Puregold stores sa buong bansa: Taytay, Rizal; Biñan, Laguna; Anabu-Imus, Cavite; Valenzuela; QI Central, Quezon City; Cubao, Quezon City; Fairview Terraces, Quezon City; Tayuman, Tondo, Maynila; Sucat, Parañaque; Kalentong, San Andres, Maynila; Sto. Domingo Cainta Junction, Rizal; at San Pedro, Laguna.
Maaaring makakuha ng libreng concert tickets ang mga miyembro ng Aling Puring at Perks sa pamamagitan ng kwalipikadong single-receipt grocery purchases sa mga kalahok na tindahan. Kabilang sa mga ticket tier ang VIP Standing para sa minimum purchase na P8,500, Patron para sa P7,000, Lower Box para sa P5,500, Upper Box para sa P4,000, General Admission para sa P2,500, at Obstructed Upper Box at Obstructed General Admission para sa P1,500.
- Latest






















