Dennis, tinapos na ang relasyon sa mga anak!

Trending pa rin si Dennis Padilla sa X kahapon dahil sa isyu nito sa kanyang mga anak kay Marjorie Barretto.
Kaagad na pinik-ap ang ipinost nito na pagtrato sa kanya sa kasal ng anak niyang si Claudia Barretto sa long-time boyfriend nitong si Basti Lorenzo.
Pati ang kapatid niyang si Gene Padilla ay nag-post din sa kanyang Facebook account sa ginawa nila sa wedding ceremony.
Nag-post pa uli si Dennis sa kanyang Instagram account ng kuha nila ni Gene kasama ang kanilang ina sa loob ng simbahan.
Masaya sila doon sa church habang hinihintay nila si Claudia. Nasa caption nito ay humihingi pa siya ng lakas sa Panginoon : “Mahal na Diyos…Hawakan nyo po ko (pray, crying at heart broken emoji).”
Pero hindi nagustuhan ng netizens ang ginawa niyang pag-post nito sa social media.
Espesyal na araw daw ‘yun ng kanyang anak, sana nanahimik na lang daw siya at hindi niya inilagay sa kahihiyan ang kanyang anak.
Tinawag na toxic, narcissistic ang komedyante.
Kaagad na in-interview ni Ogie Diaz si Dennis sa kanyang YouTube channel para isalaysay kung ano ang nangyari sa kanila.
Nagkaroon pa raw sila ng dinner kasama ang kanyang mga anak at sinabi pa raw ni Claudia sa kanya na dapat ay “look good” daw siya sa kanyang kasal. “Kasi ang feeling ko ‘yung March 18 dinner, akala ko that was a reunion of love e. Ang feeling ko, the welcome that I had dun sa dinner na ‘yun was so lively, maganda, masarap.
“Tapos sabi ni Claui, ‘Papa I want you to look good.’ So ang feeling ko dun sa ‘I want you to look good, Papa,’ kahit ikaw sabihan ka ng Papa mo dun, ano ang ibig sabihin mo nu’n? You look good as guest? Guest ba, ‘yun ba ang dating sa ‘yo,” bahagi ng mahabang salaysay ni Dennis kay Ogie.
Nung araw pa raw ng kasal ay tinawagan pa raw siya ni Claudia na baka hindi na raw matuloy ang kasal. Pero ilang sandali lang ang lumipas ay tinawagan daw siya uli na tuloy na ito. “Alam ko ayaw ni Claui ng arrangement na ‘yun. Ayaw niya ‘yun. Ang pakiramdam ko lang, kaya sinabi niyang hindi na tuloy ‘yung kasal dahil siguro ayaw na niya akong pumunta e,” sabi pa nito.
Dahil sa pangyayaring ‘yun napagtanto na ni Dennis na tapos na ang ugnayan niya sa kanyang mga anak kay Marjorie. “Kung hindi nila ako matatanggap, e hindi ko na rin matatanggap ‘yung treatment na nangyari,” pakli nito na ramdam mo ang sama ng loob.
“Tatay na lang nila ako. Pero, bringing back the relationship, wala na siguro. Maybe, we can just stay around the memories. Pero finished,” sambit nito.
Hiningan siya ni Ogie ng reaksyon sa sinasabi ng netizens tungkol sa pagiging toxic daw nito. “A father who’s longing for love from the children, especially the father is going to almost three-fourths of his life, can you call that toxic?
“A father who asked forgiveness privately and publicly, is that toxic?
“A father who apologized to the mother, to the children, to the boyfriend of the children, in private and in public, you call that toxic?
“A father who posted… greetings on birthdays, on Valentine’s, on Christmas, New year to greet them so that it could reach them without reply, is that toxic?
“If the answer to those is yes, then I consider myself toxic,” sabi pa ni Dennis.
Wala pang sagot ang mga anak niya pero ang ilang netizens na mismo ang sumagot sa mga hanash nito.
Merong nag-post uli ng open letter ni Leon sa kanyang ama na nakikiusap itong kung meron man siyang problema sa kanila at gustong iparating, sana mas mabuting pag-usapan na lang daw nila privately at huwag nang ilabas sa social media na nakikialam na ang sambayanan.
Jojo Mendrez ‘hiwalay’ na rin kay Rainier, naghahanap ng bagong boy!
Ang bongga rin nitong ingay na nilikha ni Jojo Mendrez para ma-promote ang mga ni-record niyang revival song na Somewhere In My Past at ang original song ni Jonathan Manalo na Nandito Lang Ako.
Nagkaroon ng collaboration kina Mark Herras at Rainier Castillo para sa promo ng dalawang kanta, pero hindi naging maganda ang pagtatapos ng collab nila ni Mark na nauwi sa demandahan. At pati pala ang kay Rainier ay natapos na rin.
Ini-reveal ni Jojo sa radio program namin noong Miyerkules na tapos na rin daw ang sa kanila ni Rainier. “Hindi rin maganda ang paghihiwalay namin e,” pakli nito. Pero ayaw na niyang idetalye kung ano ang nangyari.
Ang maganda lang dito, na-curious ang ilang grupo ng mga mayayamang OFW sa Hong Kong, Macau at Singapore. Inimbitahan siyang mag-show roon at parang meet and greet sa ilang grupo ng mga OFW. Kaya nandun daw siya mula April 11 hanggang 15.
Ngayon ang latest na ni-record niya na revival song ay ang kantang I Love You Boy na pinasikat ni Timmy Cruz. Ang bagong pakulo naman para sa promo ng kantang ito ay magkakaroon ng nationwide search ng The Boy na maka-collab niya para sa kantang ito.
Bukas ito sa mga lalaking edad 19 hanggang 32, with face, body and star appeal at marunong kumanta.
Ang mapipiling The Boy ay magwawagi ng isang milyong piso. Sa mga interesado ay video nila sa AqueousEntertainment@gmail.com at abangan daw ang announcement ng mall audition nito.
- Latest