^

PSN Showbiz

Derrick, inalayan ng bulaklak si RS

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.
Derrick, inalayan ng bulaklak si RS
Derrick Mo­nasterio at RS Francisco

Bongga naman na ginulat ng certified Kapuso hunk actor na si Derrick Mo­nasterio ang buong SM Mall Of Asia Arena nang biglaan nitong ibinigay ang bulaklak na bahagi ng kanyang “costume” sa katatapos lamang na Bench Underwear Fashion Show kay RS Francisco.

Ayon sa aking spy, todo-rampa raw si Derrick nang bigla itong huminto at ibinigay sa big boss ng Frontrow International ang Hawaiian-inspired “lei” na nakasabit sa kanyang leeg.

Whoaaaa. Ang haba ng buhok ni RS.

‘Kaloka. Inggit me. Sino kaya magbibigay sa akin ng Lei?

Hahaha.

Seriously, very devastated ako at very very sad kahapon, Sabado.

Talagang hindi ko makakalimutan ang March 22, Saturday, at mananatili itong isang malungkot na araw habang ako ay nabubuhay.

Ang aking pinakamamahal na si Jokjok ay pumanaw na.

Umabot sa 17 taon na kapiling ko si Jokjok.

Jokjok

At pumanaw siya na walang sakit, hindi naghirap at nagpagaan sa aking loob na nakita ko siyang basta natulog na lang.

May luha sa mga mata ko habang yakap ko si Jokjok na wala nang buhay.

Totoo pala na para kang nawalan din ng isang kapamilya ‘pag nawalan ka ng alagang hayop na itinuring mong isang tao.

Surreal na para bang feeling ko natutulog lang siya. Ewan ko kung bakit iyon kirot sa dibdib ko ayaw mawala habang nagsusulat ako nito.

Feeling ko nang gumising ako na hindi na inuubo inalis ito ni Jokjok bago siya natulog para iwan ako.

For sure I will always hear his footsteps, his whining ‘pag gusto ng food, licking my foot every time I set down para magbasa ng PSN (Pilipino Star NGAYON) at PM (Pang Masa) sa umaga.

Hindi ko mapigil ang mga luha ko, a part of me died talaga. A very big part of me is broken sa totoo lang.

Hindi na talaga ako ulit magiging maligaya sa pagkawala ni Jokjok ko.

Wait mo ako sa rainbow.

Hay.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with