^

PM Sports

Kai bumida sa kabiguan ng Alphas

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi maawat si Kai Sotto na matikas ang pag­ba­balik aksiyon matapos mapatawan ng isang larong suspensiyon.

Bumanat ito ng soli­dong laro para sa Koshiga­ya Alphas sa Japan B.League kung saan nagrehistro ang 7-foot-3 Pinoy cager ng 20 points, 4 rebounds, 3 assists at 1 block ngunit kapos pa rin ito para sa panalo.

Lumasap ang Koshi­gaya ng 84-92 kabiguan sa kamay ng Hannaryz sa Koshigaya City General Gymnasium.

“In terms of content, it was the same as yesterday. We got a little excited at the start of the game, but in the end, we lost momentum because of our turnovers and other things,” wika ni Alphas coach Ryuzo Anzai

Muling bumanat si Sotto ng 18 points at 10 re­­bounds subalit kulang pa rin ito matapos umani ang Alohas ng 80-96 pag­yukod sa ikalawang laro nito kontra sa Hannaryz.

Sa dalawang laro nito ay nagtala si Sotto ng mga averages na 19.0 points at 7.0 rebounds.

Bagsak ang Koshigaya sa 6-18 baraha sa Eastern Conference.

“Kyoto’s substitutions and the high level of each individual’s skills were really great, and I felt that there was a big difference in experience there this weekend,” ani Anzai.

 

KAI SOTTO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with