^

Probinsiya

Kandidato sa pagka-governor niratrat sa simbahan

Doris Franche-Borja, John Unson - Pilipino Star Ngayon
Kandidato sa pagka-governor niratrat sa simbahan
Masusing sinisiyasat ng SOCO ang lugar kung saan pinagbabaril ang gubernatorial candidate na si Gladen Lim ng Sarangani province para sa 2025 election, nitong Sabado ng gabi sa General Santos City.
John Unson

COTABATO CITY, Philippines — Nasa malubhang kalagayan ang isang negos­yanteng kandidato sa pagka-gobernador ng Sarangani province nang pagbabarilin ng hindi pa kilalang salarin nang pagkalabas nito mula sa isang simbahan para sa Christian worship sa Barangay City Heights, General Santos City nitong gabi ng Sabado.

Sa mga hiwalay na inisyal na ulat ng General Santos (GenSan) City Police Office at ng Police Regional Office-12, nagtamo ng mga tama ng bala sa tiyan si Atty. ­Gladen Selidio Lim, 48-anyos, na agad namang naisugod sa pagamutan upang malapatan ng lunas.

Si Lim, kandidato sa pagka-governor ng Sarangani, ay residente ng Alabel, isa sa mga bayan na sakop ng naturang probinsya.

Ayon sa mga barangay officials ng City Heights sa General Santos City, ­galing si Lim pasado alas-6 ng gabi mula sa isang Christian worship site sa Dacera Avenue at pasakay na sana sa sasakyan nang biglang lapitan ng isang armadong lalaking  at agad pinaputukan ng .45 caliber pistol.

Ayon sa mga imbestigador ng General Santos Police, mabilis na nakatakas ang bumaril kay Lim gamit ang isang motorsiklo.

Inaalam pa ng mga imbestigador kung sino ang bumaril kay Lim at kung ano ang motibo nito sa pagsagawa ng naturang krimen.

CRIME

DEAD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with