^

Bansa

Higit 18K posisyon paglalabanan sa 2025

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — May 18,280 elective positions ang paglalabanan ng mga kandidato sa buong bansa sa 2025 National and Local Elections, ayon sa datos ng Commission on Elections (COMELEC).

Kinabibilangan ito ng 12 Senators, 63 Party-List Representatives, 254 Member ng House of Representatives, 82 Governor, 82 Vice-Governor, 800 na Member ng Sangguniang  Panlalawigan, 149 City Mayor, 149  Vice Mayor, 1,690 Member ng Sangguniang Panglungsod, 1,493 Municipal Mayor, 1493 Municipal Vice-Mayor, 11,948 Member ng Sangguniang Bayan, 25 BARMM Members of the Parliament, at 40 BARMM Party List Representatives.

Nitong Setyembre 17, nakapagtala ng 6,250,050 bagong registered voters ang Comelec , kung saan ang Calabarzon ang may pinakamataas na naitala sa bilang na 1,041,179; pumangalawa ang National Capital Region na 824,239; Central Luzon - 705,530; Davao Region - 356,854; Central Visayas - 331,033; at sa main office ng Comelec sa Maynila ay may 9,201.

Muling nagpaalala kahapon si Comelec Chairman George Erwin Garcia na wala nang pagpapalawig pa sa pagtatapos ng registration period sa Set. 30, 2024 para sa 2025 midterm elections.

vuukle comment

ELECTIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with