^

PSN Palaro

Racela gagawin ang coaching debut sa Altas

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sa paggiya ng isang PBA legend bilang bagong head coach, kumpiyansa ang University of Perpetual Help System DALTA sa ka­nilang kampanya sa NCAA Season 100 men’s bas­ketball tournament.

Unang lalabanan ng Al­tas ang Jose Rizal Heavy Bombers sa kanilang pagsalang ngayong alas-11 ng umaga sa Filoil EcoOil Arena sa San Juan City.

Gagawin ni dating PBA guard Olsen Racela ang kanyang coaching debut para sa Perpetual na nag­lista ng 10-8 record noong Season 99 para sa fifth place finish.

Pamumunuan ni team captain Christina Pagaran ang tropa.

“Pinaghandaan ko tala­ga itong Season 100, kasi ito na ‘yung last playing year ko as collegiate pla­yer, at siyempre hinanda ko ‘yung sarili ko na ma­ging co-leader together with Nat Sevilla and role mo­del kami sa mga teammates namin, especially sa mga rookies,” ani Pagaran.

Sa ikalawang laro sa alas-2:30 ng hapon ay mag-uunahan ang nagde­depensang San Beda at St. Benilde sa pagtatayo ng 2-0 record.

Tumipa ang Red Lions ng 79-63 panalo sa Lyceum Pirates, habang tinalo ng Blazers ang Mapua Car­di­nals, 78-65.

“It’s because of our pre­­­paration that we were able to have during the pre­­season pero there’s still a lot more to improve, es­pecially itong first games sa NCAA,” ani San Beda coach Yuri Escueta.

Ma­tibay na depensa ang itatapat ng St. Benilde.

SPORTS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->