^

PM Sports

5th bronze hinataw ng HD Spikers

Russell Cadayona - Pang-masa
5th bronze hinataw ng HD Spikers
Nagdiwang ang Cignal HD Spikers matapos talunin ang PLDT High Speed Hitters sa bronze medal match.
PVL Photo

MANILA, Philippines — Pinabagsak ng Cignal HD ang PLDT, 20-25, 25-19, 25-18, 25-23, sa kanilang upakan para sa third place sa 2024 Premier Volleyball League (PVL) Reinforced Confe­rence kahapon sa Philsports Arena sa Pasig City.

Inangkin ng HD Spi­kers ang pang-limang bronze medal na pinakamaraming nakopo ng isang koponan sa PVL history.

Pumalo si Venezuelan import MJ Perez ng 26 points mula sa 22 attacks, tatlong blocks at isang ace para sa Cignal  habang may 20 markers si Ces Molina.

“Siyempre, sobrang happy dahil nakuha namin iyong bronze and at the same time laging proud sa team namin kasi talagang lumalaban talaga hanggang dulo,” ani coach Shaq Delos Santos sa kanyang HD Spikers.

Tumersera rin ang tropa ni Delos Santos sa 2022 edition ng Reinforced Conference na pinagreynahan ng Petro Gazz.

Pinamunuan ni Russian reinforcement Elena Samoilenko ang High Speed Hitters sa kanyang 35 points buhat sa 34 hits at isang block.

Mula sa first set loss ay inagaw ng Cignal ang tatlong sumunod na frames tampok ang pagresbak mula sa 22-23 agwat sa PLDT sa fourth set.

Ang crosscourt attack, block kill kay Samoilenko at ang winning hit ni Perez ang sumelyo sa panalo ng HD Spikers sa High Speed Hitters.

Sa PVL Invitational Conference, tinalo ng Kurashiki Ablaze ang EST Cola ng Thailand, 25-20- 25-18, 23-25, 25-21, para simulan ang kanilang title defense.

Naglista si Malaysian middle blocker Low Mei Cing ng 22 points para sa Ablaze.

PREMIER VOLLEYBALL LEAGUE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->