^

Probinsiya

Cebu nagdeklara na ng state of calamity sa El Niño

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagdeklara na ng state of calamity ang buong lalawigan ng Cebu dahil sa epekto ng El Niño pheno­memon o matinding tagtuyot.

Sa report na nakarating sa Task Force El Niño na pinamumunuan ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr., ang desisyon ng pamahalaang panlalawigan na isailalim na rin sa state of calamity ang kanilang lalawigan ay bunsod ng matinding epekto sa pananim at maging sa livestock ng tagtuyot.

Sa pahayag ni Cebu Governor Gwendolyn Garcia, inanunsyo nito na matindi ang naging  pinsala sa kabuhayan ng mga magsasaka at mangingisda ng El Niño phenomenon kaya nagdesisyon ang pamahalaang lalawigan na magdeklara na ng state of calamity .

Nitong Biyernes ay nag-isyu ng Executive Order si Garcia para sa pagsailalim sa state of calamity sa buong Cebu na susuportahan naman ng Board Resolution na ipapasa ng konseho sa isasagawang pagpupulong ng mga ito sa Lunes.

Samantalang nakatakda ring pulungin ni Garcia ang lahat ng mga Mayor sa lalawigan sa Mayo 23 upang talakayin ang mga istratehiya para matugunan ang nasabing hamon. Nakatakda ring maki­pagpulong ang gobernadora sa Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC).

Base sa report ng PAGASA, ang El Niño phenomenom ay malapit ng magtapos kung saan hahalili naman dito ang La Niña phenomenom o panahon ng tagulan na papasok na sa pagitan ng Hunyo, Hulyo at Agosto.

Magugunita na na sa 276 siyudad at munisipalidad kasama ang ilang rehiyon at mga lalawigan ang nasa ilalim ng state of calamity dulot ng El Niño phenomenom base sa huling ulat ng Task Force mahigit isang linggo lamang ang nakalilipas.

vuukle comment

EL NIñO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with