‘The Sleyah’ dinala ang Chery Tiggo sa panalo
MANILA, Philippines — Humataw si Eya ‘The Sleyah’ Laure ng 26 points mula sa 24 attacks at dalawang blocks para giyahan ang Chery Tiggo sa dramatikong 16-25, 11-25, 25-13, 25-22, 18-16 pagresbak sa Petro Gazz sa labanan sa bronze medal ng 2024 Premier Volleyball League All-Filipino Conference kahapon sa Smart Araneta Coliseum.
Binawian ng Crossovers ang Gazz Angels na kinuha ang Game One, 22-25, 25-12, 25-18, 27-29, 15-12.
Makukuha rin ng Petro Gazz ang bronze medal sakaling walisin ng nagdedepensang Creamline ang Choco Mucho sa Finals ng Game Two kagabi.
Maitatakda naman ang Game Three nila ng Chery Tiggo kung makakatabla ang Choco Mucho.
Sa paggamit ng tiebreaker system ay may superior points ratio ang Gazz Angels.
Nagdagdag si Mylene Paat ng 15 markers mula sa 12 attacks at tatlong blocks, habang may 10 points si Shaya Adorador para sa Crossovers.
May 11 excellent sets si Jasmine Nabor.
Binanderahan ni Fil-Am Brooke Van Sickle ang Gazz Angels sa kanyang game-high 30 points galing sa 24 attacks, limang service ace at isang block at umiskor si Jonah Sabete ng 18 markers kasunod ang tig-10 points nina MJ Phillips at Aiza Maizo-Pontillas.
- Latest