Marian, sinagot ang padlock issue nila ni Bela

Siguradong magti-trending at pag-uusapan ang guesting ni Marian Rivera sa Gandang Gabi Vice sa Sunday, Oct. 25, 2026. Dahil ito sa napag-usapan ang padlock issue nina Marian at Bela Padilla.
Sa teaser ng show ni Vice Ganda, tinanong nito si Marian tungkol sa padlock issue. Tanong ni Vice kung totoo bang nangyari ‘yun? Bitin ang sagot ni Marian at ang ipinalabas lang ay ang sagot nito kay Vice na “‘Yung totoo?” Kasunod nito, ipinakita si Marian na nilagyan ng padlock ang pintuan ng kunwari cubicle, sabay ang dialogue na “O ‘di ba malandi ka? O ayan, malandi ka.”
Sa Sunday mapapanood ang kabuuan ng interview ni Vice kay Marian at tiyak na mabubuhay ang padlock issue na hanggang ngayon, ibinabato pa rin sa aktres.
Sa nasabi ring guesting ni Marian, natanong siya ni Vice kung sinasayawan ba niya ang asawang si Dingdong Dantes? “Performance level” ang sagot nito at saka nagsayaw na parang si Marimar.
Sarah, tsinismis na nasa labor room na
Pinag-uusapan ngayon online ang post ng isang netizen sa X tungkol kay Sarah Geronimo na “So kasabay namin sa labor room sina Sarah G.”
Wala nang follow-up post pa ang netizen, ayun, sabay-sabay nagtsi-check ang mga nakabasa ng tweet na ito kung may iba pa bang nakakita kay Sarah kung saan mang hospital.
May tanong lang ang fans, bakit sa labor room nakita si Sarah? Manganganak na ba siya? Hindi pa nga raw nakukumpirma kung totoong buntis siya at wala pang formal announcement sa kanyang kondisyon, bakit may labor room nang nabanggit?
A few days ago, may nag-post ng photo nina Sarah at Matteo Guidicelli na kuha sa birthday party ng dalawang pamangkin ni Matteo. Ang reaction agad ng fans, “Sarah’s preggy look.” Sa mukha pa lang daw, alam nang buntis si Sarah, nagmamanas na raw ang mukha nito.
Andrea, kakasa kay Boy!
Pagkatapos ni Kris Aquino, malalaking aktres ang sunod na maggi-guest sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA). Kasama pa rin daw ito sa birthday celebration ni Boy.
Si Kris ang special guest ni Boy sa Oct. 28 and 29, naka-line up na maggi-guest sa FTWBA sina Alice Dixson, Andrea Brillantes at Ruffa Gutierrez. Wala pa lang date kung kailan ang guesting ng tatlo.
Natutuwa ang viewers ng show ni Boy dahil hindi raw lahat Kapuso stars ang kanyang ini-interview. Gaya na lang ni Andrea na Kapamilya star bago naging Kapatid talent at ngayon ay freelancer yata. Controversial si Andrea, marami ang puwedeng itanong sa kanya.
John Lloyd, nagpaka-tatay sa anak nina Ellen at Derek
Spotted si John Lloyd Cruz sa birthday party na bigay ni Ellen Adarna sa anak nila ni Derek Ramsay na si Lily.
May mga larawan pa na sina John Lloyd at Lily lang ang magkasama at ramdam na komportable ang bata sa aktor.
Masaya ang birthday ni Lily, marami siyang bisitang bata at sa photos na pinost ni Ellen, parang nag-mall pa sila after the party.
Mali lang ang nag-comment na mabuti pa si John Lloyd kahit hiwalay na sila ni Ellen, dumating sa birthday party ni Lily. Bakit naman dadalo si Derek eh, hindi sila friends ni Ellen? Baka mag-away pa sila kapag nagkita.
- Latest





















