^

Metro

DSWD AICS, bukas ng Sabado

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

Sa apektado ng ASEAN Summit holiday

MANILA, Philippines — Magbubukas ang Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Nobyembre 21 at 28 upang matulungan ang mga kliyenteng maaapektuhan ng tatlong araw na holiday sa Metro Manila kaugnay ng ASEAN Summit sa Nobyembre 16 hanggang 18.

Ayon kay AICS Director Edwin Morata, ang dalawang Sabado ang magsisilbing karagdagang araw ng serbisyo para sa mga kliyenteng may nakatakdang appointment sa panahon ng summit. Kabilang sa mga ipagkakaloob na tulong ang panggastos sa pagpapagamot, transportasyon at iba pang pangangailangan.

Nilinaw ni Morata na tanging mga kliyenteng nakatakdang asikasuhin sa Nobyembre 16 hanggang 18 ang tatanggapin sa nasabing mga Sabado. Binigyang-diin din niyang hindi batayan ang laki ng sahod o katayuan sa buhay sa pagbibigay ng ayuda, kundi ang pagkakaroon ng agarang pangangailangan dahil sa krisis.

Samantala, nasa 3,000 ambulant vendor sa Pasay at Parañaque ang nabigyan na ng food assistance at tig-P10,000 cash aid matapos maapektuhan ang kanilang hanapbuhay dahil sa mga paghihigpit sa seguridad para sa ASEAN Summit.

DSWD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with