^

Metro

PDEA pinalawak ang kampanya vs droga sa digital platforms

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
PDEA pinalawak ang kampanya vs droga sa digital platforms
Stock image of people using their mobile phone.
Pixabay

MANILA, Philippines — Pinalalawak ng Phi­lippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang kampanya nito laban sa ilegal na droga sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa mga ahensiya ng gob­yerno at pribadong sektor upang mas mailapit sa publiko ang mga mensahe ng pag-iwas sa pag-abuso sa droga.

Nakipag-ugnayan ang PDEA sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para magpalabas ng kanilang information, education, and communication (IEC) materials sa pitong electronic billboard sa kahabaan ng EDSA, kung saan maraming motorista at commuter ang naaabot ng kampanya.

Kasama rin sa mga katuwang ang SM Supermalls na nagpapalabas ng PDEA advocacy videos­ bago ang mga palabas sa mahigit 350 SM Cinemas sa buong bansa, gayundin ang Mercury Drug Corporation na naglaan ng espasyo sa electronic billboard nito sa Quiapo, Maynila.

Nanawagan ang PDEA sa iba pang ahensiya, organisasyon, at kumpanya na makiisa sa kanilang kampanya upang mas mapalawak ang kamalayan ng publiko at maisulong ang isang mas ligtas at drug-resistant na lipunan.

PDEA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with