Kilos protesta sa impeachment ni VP Sara dinala sa EDSA

MANILA, Philippines — Nagsagawa ng kilos protesta ang ilang civil society sa EDSA People Power Monument para ipanawagan sa Kongreso na ituloy ang pag-impeach kay Vice President Sara Duterte.
Ang pag-impeach kay Duterte ay kasunod ng mga alegasyon ng maling paggamit ng confidential at intelligence fund.
Nahaharap ang bise presidente sa tatlong reklamo ng impeachment, subalit hindi pa natatalakay ng mga mambabatas kung saan pinangangambahang abutin ng adjournment ng Kamara dahil sa pagiging abala sa pangangampanya para sa 2025 Midterm Elections.
Suot ang puting t-shirt, nag-rally sa EDSA Shrine ang nasa 4,000 raliyista na nagtutulak na mapatalsik si Duterte sa puwesto.
Nasa 2,000 pulis naman ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang nakakalat sa lugar habang 1,000 pulis naman ang naka-standby para tiyakin ang maayos ang kilos protesta.
Ilang mga estudyante rin ang nagkilos protesta sa Liwasang Bonifacio upang isigaw hindi lamang ang impeachmet kundi ang nangyayaring corruption at kahirapan sa bansa.
Una nang ipinanawagan ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr, ang pagtigil sa impeachment sa dahilang hindi ito prayoridad ng kanyang administrasyon.
- Latest