^

Metro

Higit P10K ‘Flying Registrants’ ipinetisyon sa korte

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Naghain kahapon ng  Petition for Exclusion ang United Nationalist Alliance (UNA) sa Makati Metropolitan Trial Court para kuwestyunin ang mahigit 10,000 registered voters na hindi bona fide residents ng lungsod at madiskwalipika  alinsunod sa Section 35 ng Republic Act 8189 (The Voters Registration Act of 1996).

Ayon sa UNA, ang mga nakakaalarmang iregularidad sa listahan ng mga botante ng Makati sa 1st at 2nd legislative districts, kabilang ang mga daan-daang nakarehistro sa iisang address ay kuwestyunable na dapat ay hindi nakalusot. Ang mapanlinlang na pagparehistro umano ay uri ng pandaraya na posibleng magdikta sa kinabukasan ng lungsod.

Kabilang din dito ang mga gumamit ng address ng mga bakanteng lote, barung-barong at private properties na ginamit ng ibang tao para sa lamang may maitalang address. Nagsagawa ng sariling imbestigasyon ang UNA matapos magreklamo umano ang mga residente na mayroong  mahigit 50,000 flying voters na nakalusot sa roster of voters ng lungsod.

Isinisi ito ng UNA sa ilang opisyal ng barangay na nag-isyu umano ng Barangay Certificates of Residency kahit hindi umano nakatira sa mga ibinigay na address.

Ang petisyon ng UNA ay naglalayong panagutin ang 10,558 na mapanlinlang na mga rehistro upang mapa­ngalagaan ang integridad ng halalan sa Makati.

UNA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->
ad