^

Metro

Crime rate sa Metro Manila nabawasan NCRPO

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na bumaba ng 10.62% ang mga crime incidents sa Metro Manila noong Disyembre 2024.

Ayon kay NCRPO Director Brig. Gen. Anthony Aberin, nasa 9,227 insidente ng krimen ang naitala noong nakaraang buwan kumpara sa 10,323 insidente noong Nobyembre.

Aniya, bumaba ng 11.94% ang walong pangunahing krimen, mula 469 tungong 413 insidente, kung saan kabilang ang murder, homicide, physical injury, rape, theft, robbery, vehicle theft, at motorcycle theft.

Sinabi ni Aberin na ang pagbaba ng kaso ay kasunod ng mga ipinatupad na police visibility at monitoring ng PNP.

“These improvements showcase NCRPO’s effective implementation of crime prevention strategies and proactive measures to address public safety concerns,” dagdag pa ni Aberin.

Tiniyak ni Aberin na patuloy ang monitoring at pagbibigay ng seguridad sa Metro Manila.

Hindi rin tumitigil ang mga district director at chief of police sa kautusan sa mga pulis.

NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with