^

Metro

Bagong pumping stations at flood control facilities, binuksan sa Malabon

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pormal nang binuksañ sa Lungsod ng Malabon kahapon ng umaga ang ilang bagong pumping station at flood control facilities.

Pinangunahan ni Malabon Mayor Jeannie Sandoval ang pagpapasinaya sa mga pumping station na kinabibilangan ng Brgy. Tañong at Sto. Rosario II Pumping Station na nasa Brgy. Baritan.

Bukod dito, ibinida rin ni Sandoval ang rehabilitasyon ng ilan sa Drainage at Flood Control Facilities sa Malabon.

Ayon sa LGU, layon nilang matugunan ang problema ng pagbaha sa lungsod.

Ang makabagong pumping station ay mas mabilis, mas matibay, at kayang mag-operate nang tuluy-tuloy sa loob ng anim na oras, kumpara sa lumang sistema na limitado sa tatlong oras ng operasyon.

Samantala, ang rehabilitasyon ng drai­nage at flood control facilities ay magbibigay naman ng mas epis­yenteng daloy ng tubig upang maiwasan ang pagbaha at maprotektahan ang kaligtasan ng buong komunidad.

vuukle comment

FLOOD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with