La Salle, FEU target Final Four spot

MANILA, Philippines — Agawan sa solo No. 3 spot sa team standings ang defending champion De La Salle University at Far Eastern University sa kanilang salpukan sa UAAP Season 89 men’s basketball tournament sa Smart Araneta Coliseum.
Magtutuos ang Green Archers at Tamaraws ngayong alas-2:30 ng hapon.
Tangan ng La Salle at FEU ang parehong 8-5 karta kung saan ang mananalo ay sasampa sa Final Four.
Maliban sa puntiryang Final Four seat, magkakaroon din ng tsansa ang mananalo sa Green Archers at Tamaraws na makahablot ng ‘twice-to-beat’ incentive na ibibigay sa top two teams pagkatapos ng elimination round.
Tiyak na magiging kapana-panabik ang labanan ng dalawang koponan dahil pareho silang sasandal sa kanilang two-game winning streak.
Huhugot ng lakas si La Salle head coach Topex Robinson kina Jacob Cortez, Luis Pablo, JC Macalalag at Joaquin Tovera para masikwat ang panalo at manatiling malaki ang tsansa na depensahan ang suot na korona.
Impresibo ang ipinakitang laro ng Taft-base squad matapos nilang panain ang 88-80 panalo kontra University of the Philipines.
Ipaparada naman ni FEU mentor at dating PBA Best Import Sean Chambers sina Jorick Bautista, Janrey Pasaol at Aicen Macapagal.
Samantala, maghaharap sa ikalawang laro sa alas-5 ng hapon ang UP at National University.
Kasalukuyang magkasalo sa tuktok ang Fighting Maroons at Bulldogs sa magkatulad na 9-4 baraha.
Ang mananalo ang magbubulsa sa No. 1 seat tangay ang unang ‘twice-to-beat’ bonus sa semis.
- Latest





















