19 Pinoy seafarers mula sa Black Sea drone attack, uuwi na
MANILA, Philippines – Nakatakdang umuwi sa Pilipinas ang 19 na Pilipinong seafarer na nasagip mula sa umano’y drone attack sa Black Sea sa Nobyembre 26, 2026, ayon sa Department of Migrant Workers (DMW).
Tiniyak ni Labor Attaché Marietta Dela Cruz ng Migrant Workers Office (MWO)-Budapest na sa ngayon ay nasa maayos na kalagayan ang mga tripulante habang patuloy naman aniyang nagpapagaling ang dalawang nasugatan matapos malapatan ng kinakailangang lunas sa ospital.
Idinagdag pa ni Dela Cruz na dahil sa paglubog ng barko, nawala ang mga importanteng dokumento ng mga tripulante.
“Pero sa tulong ng embahada at ng mga otoridad sa Bucharest ay napadali ang pagproseso ng kanilang emergency travel documents, statutory compensation, at repatriation assistance para sa kanilang ligtas na pagbabalik sa Pilipinas,” aniya pa.
Batay sa ulat, ang mga Pinoy seafarers ay lulan ng Liberian-flagged liquefied petroleum gas tanker na Gas Husky nang atakihin sa Black Sea ng Bulgaria noong Martes.
Wala namang nasawi sa insidente ngunit dalawa sa mga tripulante ang nagtamo ng minor injuries.
- Latest




















